Mga Bata
Ang Pagsisisi ay Isang Kaloob
Ang kaloob na pagsisisi ay hindi isang kaloob na makikita o mahahawakan ninyo. Sa halip, ito ay isang kaloob na madarama ninyo. Ibig sabihin, kapag gumawa tayo ng maling pasiya, maaari tayong magsisi at muling makadama ng kapayapaan at kaligayahan.
Lagi tayong tutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesus na magsisi. Itugma ang bawat larawan sa iba’t ibang hakbang ng pagsisisi.
Nalulungkot tayo.
Nagdarasal tayo sa Ama sa Langit, ikinukuwento natin sa Kanya kung ano ang nangyari, at humihingi tayo ng tulong sa Kanya para makagawa tayo ng mas mabuting pagpapasiya sa susunod.
Humihingi tayo ng paumanhin at sinisikap nating magpakabuti.
Napapanatag tayo at nalalaman natin na napatawad na tayo.