Paghahanap ng Kapayapaan: 4 (Pang) Mga Paraan Para Gamitin ang 2018 Mutual Theme
Itinuturo ng 2018 Mutual theme sa mga kabataan ang tungkol sa kapayapaang maaari nilang matanggap mula kay Jesucristo. Nagmumula ang tema sa Doktrina at mga Tipan 19:23, kung saan nag-aanyaya ang Panginoon, “Matuto ka sa akin, at makinig sa aking mga salita; lumakad sa kaamuan ng aking Espiritu, at ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan sa akin.” Napakagandang mensahe! Narito ang apat na nakatutuwang paraan para magamit ang Mutual theme upang palakasin ang mga kabataan sa mga panahong puno ng hamon:
1. Opening exercises
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa tema sa simula ng Mutual, maaari ninyong ipabatid ang layunin ng aktibidad. Bago ang bawat aktibidad, pumili ng isang tao na pipili ng isang talata sa banal na kasulatan na may kaugnayan sa Doktrina at mga Tipan 19:23 at ibahagi ito sa grupo. Maaari rin kayong maglaan ng oras sa opening exercises para pag-aralan ang mga kalapit na talata ng talata 23 para maunawaan ang konteksto nito.
2. “Makinig sa aking mga salita”
Ang aktibidad na ito ay gagawing mas nakatutuwa ang aktibidad sa pagluluto na matatagpuan sa “Ikaw, ang mga Kabataan, at ang Tema ng Mutwal” (Ensign o Liahona, Enero 2018). Pumili ng isang recipe at ipabasa ito sa isang kabataan, habang nakikinig ang bawat isa sa mga kabataan at sinusunod ang instruksyon sa pagluto ng putahe. Pagkatapos, magpatugtog maya’t maya nang malakas na kanta, upang maging mas mahirap pakinggan ang mga instruksyon. Hikayatin ang nagbabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng recipe at huwag itong uulitin. Pagkatapos ng aktibidad, pag-usapan kung paano nagiging mas mahirap ang pagsunod kay Cristo kapag hinahayaang gambalain ng kamunduhan ang Kanyang mga salita.
3. “Matuto ka sa akin”
Ituturo ng aktibidad na ito kung paano makakahanap ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aaral ng buhay ni Cristo sa interesante at espirituwal na paraan. Sa mga pasilyo ng inyong ward meetinghouse (o sa ibang angkop na lokasyon), magset-up na iba’t ibang istasyon kung saan may mga larawan/bagay na kumakatawan sa ilan sa mga nagdudulot ng stress sa buhay ng mga kabataan—mga bagay katulad ng gawain sa paaralan, digmaan/alingawngaw ng digmaan, pagiging masama ng mga tao, atbp. Dapat nasa pasilyo sa labas ng isang silid ang bawat istasyon. Sa bawat istasyon, hayaang talakayin ng mga kabataan ang kanilang mga saloobin at karanasan kung paano sila naaapektuhan ng mga nagdudulot ng stress. Pagkatapos, buksan ang pinto ng silid na pinakamalapit sa istasyon. (Maaaring may larawan ni Cristo na nakapaskil sa pinto.) Sa loob ng silid, may isa pang istasyon na may video/banal na kasulatan/mensahe sa isang bahagi ng buhay at mga turo ni Cristo na makakatulong magbigay ng kapayapaan na kaugnay ng nagdudulot ng stress sa pasilyo. Tatlong ganitong istasyong may dalawang bahagi (isa sa pasilyo, isa sa silid) ay sapat na para sa isang buong aktibidad.
4. “Ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan sa akin”
“Mangaroling para sa kapayapaan” bilang isang Mutual group. Bagaman ang pangangaroling ay madalas na ginagawa tuwing Pasko, ito ay magandang gawin sa anumang bahagi ng taon. Humanap ng ilang pamilyang kilala ninyo na nangangailangan ng espirituwal na suporta, at pagkatapos ay dalawin at sopresahin sila ng isang handog at ilang mga himnong maaari ninyong awitin. Inaanyayahan ng mga himno ang Espiritu, na nakakadagdag ng kapayapaan.