Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw
Ito na ba ang Katapusan ng Buhay Ko?
Samson Ho, Hong Kong, China
Isa akong malusog na ama noon ng dalawang magagandang anak at asawa ng isang kahanga-hanga at masipag na kabiyak. Maganda ang trabaho ko noon at sigurado ang kita. Tila perpekto na noon ang buhay, ngunit nagsimulang gumuho ang aking mundo nang matuklasan na mayroon akong nasopharyngeal cancer, isang bihirang uri ng kanser sa ulo at leeg.
Naglilingkod ako noon bilang counselor sa bishop, at idinaraos namin ang aming taunang basketball tournament sa simbahan nang magsimula akong makadama ng malubhang sakit. Nagpatingin ako sa doktor, at pagkatapos ng maraming lab test, ipinahayag niya na mayroon akong stage 4 nasopharyngeal cancer. Nag-alala ako at natakot. Naisip ko kung ito na ba ang katapusan ng buhay ko at ano ang mangyayari sa pamilya ko kung mamatay ako. Ang tanging maaasahan ko noon para sa gabay at kapanatagan ay ang panalangin sa Ama sa Langit.
Makalipas ang tatlong araw ng palagiang panalangin, nadama ko na parang may bumulong na mahinang tinig, “Huwag kang matakot.”
Mula nang sandaling iyon, nawala na sa isipan ko ang takot sa kamatayan. Mahirap pa rin para sa akin ang mga bagay-bagay. May pagkakataong hindi ako makalunok ng anumang pagkain at hindi ako makatulog sa sobrang sama ng pakiramdam ko, ngunit hindi ako kailanman sumuko o tumalikod sa Diyos—at natulungan Niya ako.
Mahigit 18 taon na akong walang kanser. Hindi ko alam kung gaano katagal ako tutulutang mabuhay ng Diyos, ngunit natutuwa ako na nakapaglilingkod pa rin ako sa aking mga kapatid. Alam ko na hindi tayo kailanman iiwanan o tatalikuran ng ating Ama sa Langit. At kung nais nating tumanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos, hindi natin Siya maaaring iwanan o talikuran.