2018
Pinasimpleng Temple Night: 6 na Tip Para Gawing mas Madali ang mga Temple Trip
January 2018


Pinasimpleng Temple Night: 6 na Tip Para Gawing mas Madali ang mga Temple Trip

mag-asawa sa harapan ng templo

Napakarami ng mga bagay na maaaring makapigil sa inyo sa pagpunta sa templo. Ang pagkakaroon ng kalendaryong tulad nito ay isa lamang sa mga tip para gawing mas madali ang pagpunta roon na tinipon namin pagkatapos magtanong ng mga ideya mula sa inyo sa Facebook. Kung naglalaan man kayo ng panahon sa kabila ng abala ninyong iskedyul para pumunta nang mag-isa o samahan ang isang kaibigan para hindi siya mag-isang pumunta, ang mga tip na ito ay maaaring makatulong sa inyo na matanggap ang mga pagpapala ng pagdalo sa templo nang mas madalas.

Para sa mga Pamilyang may mga Bata

Gawing temple night ang date night. Palitan ang isa sa inyong mga date night ng pagbisita sa templo. Anuman ang mga planong ginagawa ninyo para may mag-alaga sa mga bata kapag may date kayong mag-asawa ay maaari ninyong panatilihin kapag dumadalo sa isang temple session sa halip na kumain sa labas o manood ng sine. Sulit at kalidad pa rin ang oras na magkasama kayong mag-asawa, may karagdagang pagpapala lamang mula sa pagdalo sa templo.

Makipagpalitan ng mga bata: Humanap ng isa pang pamilya na handang magkaroon ng playdate kasama ng inyong mga anak habang kayo ay dumadalo sa templo; pagkatapos ay makipagpalitan at gawin din iyon para sa kanila.

Piknik at laro: Katulad ng pamilya mula sa mensaheng “Isang Ipinangakong Pagpapala sa Pagdalo sa Templo,” gawin itong isang buong araw o weekend na trip. Dalhin ang buong pamilya; maaaring dumalo sa isang temple session ang isang magulang habang nasa piknik o kainan naman ang isa kasama ang mga bata. Pagkatapos ay maaaring dumalo sa isang session ang magulang na iyon habang ang nauna naman ay kasama ng mga bata na maglaro sa parke o maglakad-lakad sa paligid ng templo.

Para sa Lahat

Maglaan ng panahon: Kung tutulutan ng oras at lokasyon ninyo, magkaroon ng regular na iskedyul ng pagpunta sa templo (lingguhan, buwanan, taunan). Tutulutan kayo ng regular na pagpunta sa templo na magplano nang naaayon dito at tutulungan kayo na bigyang prayoridad ang pagdalo sa templo.

Gumawa: Maglaan ng panahon at sundin ito. Kung nahihirapan kayong humanap ng panahon sa inyong iskedyul, subukang pumunta nang maaga; kadalasan ay hindi gaanong abala ang mga templo sa umaga.

Humanap ng makakasama: Kung nahihirapan kang maganyak na dumalo sa templo nang mag-isa, humanap ng kaibigan na sasama sa iyo! Huwag matakot na makipag-ugnayan sa mga home teacher, visiting teacher, o iba pang mga miyembro sa Ward at hilinging samahan ka nila.