2018
Ang Paglikha
January 2018


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Ang Paglikha

Larawan
The Creation 1
Larawan
The Creation 2
Larawan
The Creation 3

Noong unang panahon na di ko na matandaan, nilikha ng Diyos ang isang magandang lugar na titirhan ko.

Nang simulan Niyang gawin ang daigdig, inihiwalay Niya ang araw sa gabi. Ginawa Niya ang araw, buwan, at mga bituin para palaging may ilaw na gagabay sa akin.

Nilikha Niya ang kalangitan, karagatan, at lupa. Pinuno Niya ang mundo ng lahat ng uri ng mga halaman.

Nilikha Niya ang mga ibon na lilipad sa kalangitan, isda na lalangoy sa karagatan, at mga hayop na maninirahan sa lupa.

Sa tuwing nakikita ko ang mga likha ng Diyos, nakadarama ako ng pagpipitagan at pagmamahal para sa Kanya. Nagpapasalamat ako na ginawa Niya ang mundong ito para sa akin.

Print