Mga Kabataan
Magpasiyang Magsisi
Ipinaliwanag ni Pangulong Monson na “responsibilidad nating umangat mula sa pagiging karaniwan lamang tungo sa pagiging mahusay, mula sa kabiguan tungo sa tagumpay. Ang tungkulin natin ay maabot ang pinakamahusay nating [mararating].” Maraming tao na inilalaan ang Enero para gumawa ng mga mithiin at resolusyon na umunlad: mas ngumiti, kumain ng mas masustansyang pagkain, o matuto ng bagong kasanayan. Bagama’t matutulungan ka ng mga mithiing ito na magbago upang magpakabuti, ang pinakamainam na paraan para magbago ay sa pamamagitan ng pagsisisi.
Bagama’t maaaring mahirap magsisi, ito ay isang kaloob! Kapag umasa tayo kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi sa ating mga kasalanan, lumalago tayo at umuunlad. Sinabi ni Pangulong Monson, “Napakahalaga sa plano [ng kaligtasan] ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Kung wala ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, lahat tayo ay maliligaw ng landas.” Sa pamamagitan ng pagsisisi, maaaring mahugasan ang iyong mga kasalanan at umunlad ka upang maging higit na katulad Niya.
Isipin ang isang bagay na maaaring nakahahadlang sa iyo na maging katulad ng Tagapagligtas. Ang iyo bang pananalita? Paano mo pinakikitunguhan ang iyong mga kaibigan o pamilya? Matapos isipin kung ano ang maaari mong pag-igihin, manalangin ka sa Ama sa Langit at ipahayag mo ang iyong hangaring magbago. Tandaan na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Pagbabayad-sala, matutulungan ka ni Jesucristo na daigin ang iyong mga kahinaan. Tulad ng itinuro ni Pangulong Monson, “Ang kaloob na pagsisisi, na inilaan ng ating Tagapagligtas, ang nagtatama sa direksyon natin sa buhay.”