Mga Kabataan
Tatlong Bagay na Aalalahanin
Ang salitang alalahanin, tandaan at pakatandaan ay makikita nang maraming beses sa Aklat ni Mormon. Hinikayat ni Nephi ang kanyang mga kapatid na alalahanin kung paano iniligtas ng Diyos ang kanilang mga ninuno. Hiniling ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao na pakatandaan ang kadakilaan ng Diyos. At nagtagubilin si Moroni sa kanyang mga mambabasa na alalahanin kung gaano kamaawain ang Panginoon.
Mahalagang alalahanin ang Tagapagligtas—nakikipagtipan pa nga tayo na aalalahanin Siya sa tuwing tumatanggap tayo ng sakramento. Inaanyayahan tayo ni Pangulong Eyring na tandaan ang tatlong bagay na ito sa oras ng sakramento:
-
Alalahanin si Jesucristo: Magbasa ng mga banal na kasulatan tungkol sa paglilingkod at pagmamahal ng Tagapagligtas sa ibang tao. Paano mo nadarama ang Kanyang pagmamahal? Paano mo paglilingkuran at mamahalin ang ibang tao na katulad ng ginawa ng Tagapagligtas?
-
Alalahanin kung ano ang kailangan mong pagbutihin: Pag-isipan ang mga ginawa mo nitong nakaraang linggo nang may pusong nagsisisi. Pumili ng isang bagay na babaguhin mo, at isulat kung paano mo ito gagawin. Ilagay ang iyong mithiin sa lugar na madalas mo itong makikita.
-
Alalahanin ang pag-unlad na natatamo mo: Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang mabuting pag-unlad na nagawa mo. Itala ang iyong nadarama.
Hindi tayo perpekto, at alam iyan ng Tagapagligtas. Kaya nga iniuutos Niya sa atin na alalahanin Siya. Ang pag-alaala sa Kanya ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at tinutulungan tayo nito na magkaroon ng pagnanais na mas bumuti pa. Kahit sa mga pagkakataong nalilimutan natin Siya, sinabi ni Pangulong Eyring, “palagi Niya kayong inaalala.”