Dinadaig ng Pananampalataya ang Takot
“Dahil may pananampalataya at katapangan na tayo sa ating mga puso, marami pang inaasahan sa atin ang Panginoon—at sa mga henerasyong susunod sa atin. Kailangan nilang maging mas malakas at mas matapang sapagkat mas marami at mas mahirap ang kanilang mga gagawin kaysa sa nagawa natin. At haharapin nila ang mas matinding oposisyon mula sa kaaway ng ating mga kaluluwa. …
“Pinatototohanan ko na ang Panginoon ay magpapauna sa inyong harapan sa tuwing kayo ay nasa Kanyang paglilingkod. Kung minsan kayo ang anghel na isinusugo ng Panginoon upang tulungan ang iba. Kung minsan kayo ang paliligiran ng mga anghel na tutulong sa inyo. Ngunit laging mapapasainyong puso ang Kanyang Espiritu, tulad nang ipinangako sa inyo sa bawat sacrament meeting. Kailangan lamang ninyong sundin ang Kanyang mga kautusan.
“Ang pinakamaiinam na araw ay darating para sa kaharian ng Diyos sa lupa. Ang oposisyon ay magpapalakas sa ating pananampalataya kay Jesucristo, tulad ng ginawa nito sa simula pa noong panahon ni Propetang Joseph Smith. Laging dinadaig ng pananampalataya ang takot. Ang pagtutulungan ay nagbubunga ng pagkakaisa. At ang mga panalangin ninyo para sa mga nangangailangan ay dinidinig at sinasagot ng isang mapagmahal na Diyos. Hindi Siya umiidlip at hindi Siya natutulog.”