Ang Ating Pahina
Sinusunod ko si Jesucristo kapag ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa mga kaibigan ko sa paaralan at magalang ako sa kanila.
Vianca V., edad 7, Colombia
Kapag bumibisita ako sa templo kasama ang pamilya ko, damang-dama ko ang Espiritu, na parang kasama namin ang Tagapagligtas. Gustung-gusto kong pumupunta sa templo.
Alana L., edad 8, Brazil
Alam natin na ang Aklat ni Mormon ay makakatulong sa ating mga problema, tulad ng nagagawa ng panalangin. Talagang gusto ng nakababata kong kapatid na lalaki na manalangin.
Benjamín M., edad 3, at Joaquín M., edad 8, Chile
Naramdaman ko ang Espiritu noong nabinyagan ako. Kaya ko ninais na piliin ang tama. Naging masaya ako nang ginawa ko ang itinuro ni Jesus. Noong nagpunta kami sa templo kasama ang aking kapatid na babae, ina, at ama, nabuklod kami at ako ay masaya. Kami’y magiging walang hanggang pamilya kung gagawin namin kung ano ang tama.
Manuel R., edad 9, El Salvador