Ang Plano ng Kaligayahan
Kulayan ang mga larawang ito upang matuto pa tungkol sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit para sa iyo! Maaari mo rin silang gupitin, pagdikit-dikitin ang mga likod ng larawan, at i-staple ang mga dulo upang makagawa ng buklet.
Bago ako ipinanganak, namuhay ako bilang isang espiritu kasama ang aking mga Magulang sa Langit. Sinabi ng Ama sa Langit na may plano Siya upang tulungan akong matuto at umunlad. Napakasaya ko!
Nagboluntaryo si Jesucristo na maging aking Tagapagligtas. Pumarito siya sa mundo upang maging perpektong halimbawa para sa akin. Nagbayad-sala Siya para sa akin. Alam Niya kung anu-ano ang mga pinagdadaanan ko at matutulungan Niya ako. Mahal ko si Jesucristo!
Ipinanganak ako sa magandang mundo na ito. Nagkaroon ako ng katawan! Ang aking espiritu at katawan ay magkasamang kumikilos habang ako ay natututo. Araw-araw, sinisikap kong tularan si Jesus sa pagiging mabait.
Sinusundan ko si Jesus sa pamamagitan ng pagpapabinyag. Ipinapangako ko na susundin ang mga kautusan. Ipinapangako ng Ama sa Langit na tutulungan ako ng Espiritu Santo. Kapag nagkakamali ako, nagsisisi ako at mas pinagbubutihan pa sa mga sumusunod na pagkakataon. Sa ganyang paraan ako natututo at umuunlad!
Kahit na malayo ako sa aking Ama sa Langit at kay Jesucristo, nararamdaman ko pa rin na malapit ako sa Kanila. Makapagdarasal ako sa Ama sa Langit kahit kailan. Maaari kong basahin ang mga banal na kasulatan. Balang araw, makakapasok ako sa templo kung saan mas matututo ako tungkol sa plano ng Diyos para sa akin. Ito ay mapayapa at masayang lugar.
Ang kamatayan ay isa pang bahagi ng buhay. Kapag namatay ako, ang aking katawan ay mananatili sa mundo at ang espiritu ko ay pupunta sa daigdig ng mga espiritu. Makakasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan.
Balang araw ang aking katawan at espiritu ay magsasamang muli. Makikita kong muli si Jesus! Magagawa kong mamuhay kasama ang aking pamilya at ang mga Magulang sa Langit nang walang hanggan. Nagpapasalamat ako para sa plano ng kaligayahan!