2018
Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo: Isang Pagsusuri sa Sarili
February 2018


Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo: Isang Pagsusuri sa Sarili

improving as a christlike teacher

Isipin ang mga alituntunin ng epektibong pagtuturo sa ibaba. Sa mga aspeto na sa pakiramdam mo ay lalago ka, gamitin ang espasyong nakalaan para isulat ang nahihiwatigan mong gawin.

1. Dumadalo ako sa mga teacher council meeting nang may mapagpakumbabang hangarin na matuto at makibahagi (tingnan sa D at T 112:10).

2. Palagi kong itinatala ang mga impresyon ng Espiritu upang makatulong sa akin bilang mag-aaral at guro (tingnan sa D at T 76:28).

3. Sinisimulan ko ang paghahanda ng mga lesson ko isang linggo o mahigit pa bago ako magturo (tingnan sa D at T 88:118–119).

4. Naibabalanse ko nang tama ang pagtuturo bilang guro at ang talakayan sa klase (tingnan sa D at T 88:122).

5. Taimtim kong isinasamo na patnubayan ako ng Espiritu para maging kasangkapan ako sa mga kamay ng Diyos (tingnan sa D at T 42:14).

6. Naglalaan ako ng oras para pagnilayan ang scripture block bago ko basahin ang lesson o iba pang mga materyal para maging mas malinaw ang paghahayag na maaari kong matanggap (tingnan sa D at T 42:61).

7. Tinutulungan ko ang aking mga estudyante, lalo na ang mga kabataan, na hindi lamang matutuhan ang ebanghelyo kundi maging mga epektibo ring guro para maging mas mahuhusay silang mga missionary, lider, guro, at magulang (tingnan sa D at T 88:77).

8. Ipinagdarasal ko ang aking mga estudyante, na binabanggit ang kanilang pangalan (tingnan sa Lucas 22:32).

9. Tinutulungan ko ang aking mga estudyante na ayaw dumalo sa klase (tingnan sa Lucas 15:1–7).

10. Ano ang pinakamabigat na hamon ko sa pagiging isang guro na katulad ni Cristo, at paano ko malalagpasan ang hamong iyon?