Ibahagi ang Inyong Liwanag
Pagbabahagi ng mga Handog
Olá! Ang pangalan ko ay Alice, at sinusubukan kong MAGNINGNING sa pamamagitan ng PAGPAPAKITA NG PASASALAMAT!
1. Pagpapatugtog ng mga Himno
Nakatira ako sa Brazil kasama ng mga magulang at kapatid kong lalaki at babae. Ang kapatid kong si Julia at ako ay tumutugtog ng piano para sa sacrament meeting ng ward namin.
2. Isang Di-inaasahang Handog
Isang Linggo, isang lalaking nagngangalang Brother Stahlke ang nagbigay sa amin ng regalo. Sabi niya ito’y isang regalo ng pasasalamat sa amin dahil sa pagtugtog namin tuwing Linggo. Nang buksan namin ang kahon, nakita namin sa loob ang isang espesyal na uri ng plauta! Binuo ko ang plauta at sinimulan itong tugtugin. Nabighani ako sa tunog nito.
3. Pagbabalik
Kalaunan ay sinimulan kong tugtugin ang mga himno sa plauta. Nais kong gumawa ng isang bagay upang magpasalamat kay Brother Stahlke dahil sa regalo. Kaya pinag-aralan ko ang himnong “Dakilang Karunungan at Pag-Ibig,” (Mga Himno, blg. 116). Hiniling ko sa aking ama na dalhin ako sa bahay ni Brother Stahlke upang maipakita ko sa kanya na ang kanyang regalo ay nakatulong sa aking makatuklas ng bagong talento.
4. Espesyal na Panaginip
Nang tinugtugan ko si Brother Stahlke, naging masaya siya at emosyonal. Sinabi niya na napanaginipan niya ang himnong ito kagabi lamang! Naramdaman ko ang pagmamahal ng Diyos sa kanya at sa akin.
Masasayang Pakiramdam
Kapag nagpapakita tayo ng pasasalamat, pinagpapala tayo ng Panginoon ng masasayang pakiramdam mula sa Espiritu Santo.