Taludtod sa Taludtod
1 Nephi 3:7
Inutusan ng Panginoon si Nephi na humayo at gumawa.
Hahayo ako
“Ipinapakita ninyo ang inyong tiwala sa Kanya kapag nakikinig kayo na taglay ang hangaring matuto at magsisi at pagkatapos ay humayo at gawin kung anuman ang hinihiling Niya. Kung sapat kayong nagtitiwala sa Diyos at pakikinggan ang Kanyang mensahe sa bawat sermon, awitin, at panalangin sa kumperensyang ito, matatagpuan ninyo ito. At kung hahayo kayo at gagawin ang ipinagagawa Niya sa inyo, lalaki ang kapangyarihan ninyong magtiwala sa Kanya, at darating ang panahon na mapupuspos kayo ng pasasalamat na malaman na napagkatiwalaan na Niya kayo.”
Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Magtiwala sa Diyos, Pagkatapos ay Humayo at Gumawa,” Liahona Nob. 2010, 73.
Gumawa
“Ginawa ko itong panuntunan: Kapag inutos ng Panginoon, gawin ito.”
Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Jospeh Smith (2007), 185.
Iniutos ng Panginoon
“Ang bawat utos ng Panginoon ay ibinigay para sa ating pag-unlad, pagsulong, at paglaki.”
Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol, “If Thou Wilt Enter into Life, Keep the Commandments,” Ensign, Mayo 1996, 36.
Maghahanda Siya ng paraan
Sa Lumang Tipan, ang maghanda ng paraan ay nangangahulugang magtatag ng maayos na daan (tingnan sa Deuteronomio 19:3) o gawing malinaw ang daan sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga balakid (tingnan sa Isaias 40:3).
Kapag ang Panginoon ay nagbibigay sa atin ng isang kautusan, Siya ay laging maghahanda ng paraan para sa atin kung tayo ay handang magtiwala sa Kanya at sumunod. Ngunit tulad ni Nephi, dapat kumilos muna tayo nang may pananampalataya; kung gayon ay magpapakita ang daan, dahil ang Panginoon ay “gumagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan, alinsunod sa pananampalataya ng mga anak ng tao” (Moroni 10:7).
Tuparin
“Kung magkaroon kayo ng pananampalataya … sa inyo’y hindi may pangyayari.”