Ang Sumpa at Tipan ng Priesthood
“Ang isang maytaglay ng Melchizedek Priesthood ay nakikipagtipan na tutuparin ang mga responsibilidad na kaakibat ng Aaronic Priesthood at gagampanan ang kanyang tungkulin sa Melchizedek Priesthood. …
“Bilang kapalit, nangako ang Diyos na tatanggap ang isang maytaglay ng Melchizedek Priesthood ng mga susi upang maunawaan ang mga hiwaga ng Diyos. Siya ay magiging perpekto upang makatayo siya sa harapan ng Diyos. Magagawa niya ang kanyang tungkulin sa gawain ng kaligtasan. Ihahanda ni Jesucristo ang daan para sa maytaglay ng priesthood at sasamahan siya. Ang Espiritu Santo ay mapapasapuso ng maytaglay ng priesthood, at dadalhin siya ng mga anghel. Ang kanyang katawan ay mapalalakas at mapasisigla. Siya ay magiging tagapagmana sa mga pagpapala ni Abraham at, kasama ang kanyang asawa, kasamang-tagapagmana ni Jesucristo sa kaharian ng Ama sa Langit. Ang mga ito ay ‘mahahalaga at napakadakilang pangako’ [II Ni Pedro 1:4]. Wala nang maiisip pang mas dakilang mga pagpapala.”