2019
Tinutulungan Ako ng Langit*
Hulyo 2019


Tinutulungan Ako ng Langit

Pambihirang pribilehiyo ang mainterbyu ang bawat miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol para sumulat tungkol sa banal na pagka-apostol (tingnan sa “Kami ay mga Saksi,” pahina 12).

Matapos makausap si Pangulong M. Russell Ballard, Tumatayong Pangulo ng Korum ng Labindalawa, lumingon akong muli sa kanyang opisina. Nakaupo siya sa kanyang mesa, nagsusulat ng isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Siya ang pinakamatagal na General Authority ng Simbahan—na sinang-ayunan sa Unang Korum ng Pitumpu noong 1976. Mukhang pagod siya pero masigla rin naman. “Kumusta?” tanong lang niya sa akin, na sinundan ng magiliw na payo: “Huwag mong pagurin ang sarili mo.” Nagmumula sa isang taong tumanggap ng tawag na literal na habambuhay na maglingkod sa Panginoon, malaki ang naging kabuluhan ng maikling pag-uusap na iyon sa akin.

Ang Labindalawa ay tinatawag para “pamahalaan ang mga gawain ng [Simbahan] sa lahat ng bansa” (Doktrina at mga Tipan 107:33). Ngunit kapag kasama mo sila, ang tuon nila sa isang pandaigdigang Simbahan ay nababaling sa taong kaharap nila. Napunta sila sa kanilang mga tungkulin mula sa mga posisyon na tinitingala ng mundo, subalit nang lisanin ko ang kanilang mga opisina, ang mga salitang naglalarawan sa kanila ay palaging gayon—mapagpakumbaba at mabait.

“Kung minsa’y itinatanong ko sa sarili ko, ‘Paano ako napasama sa dakilang kalalakihang ito?’” sabi sa akin ni Pangulong Ballard. Pagkatapos ay nagpatotoo siya, “Tinutulungan ako ng langit.” Sana’y matuwa kayo sa pagsulyap na ito sa tungkulin ng isang Apostol.

Sarah Jane Weaver

Church News editor