2019
Ano ang Matutuhan Ninyo sa Aklat ni Mormon?
Hulyo 2019


Ang Huling Salita

Ano ang Matatagpuan Mo sa Aklat ni Mormon?

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2016.

infographic of Elder Stevenson

Kapag naglaan kayo ng oras at naghanap ng tahimik na lugar para basahin ang Aklat ni Mormon, nakikinita ko na matutuklasan ninyo ang mga sagot, madarama ninyo ang patnubay, at magkakaroon kayo ng sariling patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at kay Jesucristo.

Kapag nagbasa kayo, mapag-aaralan ninyo ang mga talata sa natatanging aklat na ito at mababasa ninyo ang tungkol sa inyong pinakamamahal na Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo, sa halos lahat ng pahina. Tinatayang isang beses Siyang tinawag sa iba pang titulo kada 1.7 talata.1 Maging si Cristo mismo ay nagpatotoo sa katotohanan nito sa mga huling araw na ito, na sinasabing, “Yayamang ang inyong Panginoon at inyong Diyos ay buhay ito ay totoo” (Doktrina at mga Tipan 17:6).

Nagpapasalamat ako sa paanyaya at pangakong ibinigay ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Moroni sa bawat isa sa inyo—at sa lahat ng nagbabasa ng Aklat ni Mormon: “At kapag inyong matanggap ang mga bagay na ito [ang Aklat ni Mormon], ipinapayo ko sa inyo na itanong ninyo sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, sa pangalan ni Cristo, kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo; at kung kayo ay magtatanong nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Moroni 10:4; tingnan din sa mga talata 3, 5).

Ang mga katotohanang matatagpuan ninyo sa Aklat ni Mormon ay magpapasigla at magbibigay-inspirasyon sa inyo. Palalakasin nito ang inyong pananampalataya, pupuspusin ng liwanag ang inyong kaluluwa, at ihahanda kayo para sa isang hinaharap na halos hindi ninyo kayang unawain.

Sa mga pahina ng aklat, matutuklasan ninyo ang walang-hanggang pagmamahal at di-maarok na biyaya ng Diyos. Kapag sinikap ninyong sundin ang mga turong matatagpuan ninyo roon, madaragdagan ang inyong kagalakan, lalawak ang inyong pang-unawa, at makikita ninyo ang mga sagot na hinahanap ninyo sa maraming hamon sa buhay. Kapag binasa ninyo ang aklat, aasa kayo sa Panginoon.

Tala

  1. Tingnan sa Susan Easton Black, Finding Christ through the Book of Mormon (1987), 16–18.