2019
Relihiyon: Isang Pagpapala sa Ating Buhay at mga Komunidad
Hulyo 2019


Relihiyon: Isang Pagpapala sa Ating Buhay at mga Komunidad

Religion: A Blessing to Our Lives and Communities

Ang pananampalataya at relihiyon ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao. Ang ating pananampalataya, at relihiyon sa pangkalahatan, ay nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Nalaman sa maraming pag-aaral ng mga simbahang Kristiyano at iba pang mga relihiyon na ang nananalig ay mas malusog at mas malamang na makatulong sa kanilang mga komunidad. Ang mga natuklasan sa pagsasaliksik na inilahad dito ay halimbawa lamang ng maraming paraan na mas napagaganda ng relihiyon ang ating buhay:

Mga taong relihiyoso:

Komunidad

  • Mas malamang na magboluntaryo,1 magbigay sa kawanggawa,2 at sumali sa mga club at grupo.3

Mga Relasyon

  • Mas magandang “makisalamuha sa lipunan at [mas] matatag ang pagsasama ng mga mag-asawa” at mas maraming kaibigan sa mga social network.4

  • “Mas malamang na makapag-asawa at hindi makipag-diborsyo [at sila] ay nagpapahayag ng mas mataas na antas ng kasiyahan sa piling ng kanilang asawa.”5

Kalusugan

  • “Mga 30% ang mas malamang … na magsabi na masayang-masaya sila.”6

  • Mas mababa ang depression rates at di-gaanong nababalisa.7

  • Malamang na mas mahaba nang pitong taon ang buhay kaysa sa mga taong hindi relihiyoso.8

Mga Tala

  1. Tingnan sa Arthur C. Brooks, Gross National Happiness: Why Happiness Matters for America—and How We Can Get More of It (2008), 52.

  2. Tingnan sa Rodney Stark, America’s Blessings: How Religion Benefits Everyone, Including Atheists (2012), 4.

  3. Tingnan sa Robert D. Putnam, Bowling Alone (2000), 66–67.

  4. Tyler J. VanderWeele, “Does Religious Participation Contribute to Human Flourishing?” Big Questions Online, Ene. 14, 2017, bigquestionsonline.com.

  5. Stark, How Religion Benefits Everyone, 4.

  6. Brooks, Gross National Happiness, 48.

  7. Tingnan sa Andrew Sims, Is Faith Delusion? Why Religion is Good For Your Health (2009), 220.

  8. Tingnan sa Stark, How Religion Benefits Everyone, 4, 106–107, 111.