Ang Ating Tuluy-tuloy na Pamana ng mga Pioneer
Kaliwa: paglalarawan ni Dan Burr
Noong Hulyo ng 1847, pumasok ang unang grupo ng mga pioneer sa Salt Lake Valley matapos maglakbay patawid sa American West sa paghahanap ng bagong tahanan kung saan maaaring sumamba ang mga Banal sa Panginoon nang walang nang-uusig. Matutunton ng maraming miyembro sa North America ang kanilang pamana mula sa mga ninunong pioneer na ito. Ngunit para sa karamihan ng mga miyembro ng Simbahan sa buong mundo, nagsimula ang kanilang pamana ng mga pioneer sa ibang lugar, sa mga ninuno man na sumapi sa Simbahan kamakailan o marahil ay kahit sa sarili nila nang sila ang naging unang miyembro sa kanilang pamilya, komunidad, o bansa na tumanggap sa ebanghelyo.
Sa buwang ito, sa pagdiriwang natin ng ating mga ninunong pioneer, maaari ninyong itanong sa inyong sarili: Saan nagsimula ang aking pamana ng pananampalataya? Anong mga sakripisyo ang ginawa ng mga pioneer na ninuno ko para ilaan ang kanilang buhay sa Simbahan? Paano ko maigagalang at maibabahagi ang kanilang pamana? Ano ang magagawa ko para tulungan ang iba na maunawaan at igalang ang sarili nilang mga ninunong pioneer?
Maliban kung iba ang nakasaad,* ang mga ito at ang iba pang mga larawan mula sa Church History Museum international art competitions ay makikita online sa lds.org/go/71921.
Mula kaliwa sa itaas paikot sa kanan: Woman Holding Book of Mormon and Basket of Flowers, ni Jubal Aviles Saenz
Building Now for Eternity, ni Sylvia Huege de Serville
Awake, Awake, Put on Thy Beautiful Garments, ni Natalie Ann Hunsaker
The Visit, ni Chu Chu
* Joseph William Billy Johnson: Holiness to the Lord, ni Emmalee Rose Glauser Powell
Family Reading, ni Jose Manuel Valencia Arellano
A Stop along the Way, ni Carmelo Juan Cuyutupa Cannares
The Fruit of Joy, ni Nanako Hayashi