2019
Kristiyano Ako!
Hulyo 2019


Kristiyano Ako!

Larawan
Im Christian

Tinaglay ko ang pangalan ni Cristo nang ako’y mabinyagan at makumpirma.

Nangangahulugan iyon na pinipili ko na sundin Siya at gawin kung ano ang tama.

Kristiyano Ako! Naniniwala ako na si Cristo ang Bugtong na Anak ng Diyos—

Ang Prinsipe ng Kapayapaan, Mabuting Pastol, Tinapay ng Kabuhayan, ang Banal.

Kristiyano Ako! Binabasa ko ang mga banal na kasulatan araw-araw, pinag-aaralan ang Kanyang buhay,

Kanyang mga himala, Kanyang mga turo, Kanyang sakripisyong walang hanggan.

Kristiyano Ako! Nais kong malaman ng mundo na namatay si Jesus para sa kanila.

Dahil ibinuwis Niya ang Kanyang buhay para sa atin, lahat tayo ay mabubuhay muli!

Kristiyano Ako! Kapag ang aking kaluluwa ay nasasaktan dahil sa mga kasalanan o makamundong bagay,

ibinabaling ko ang aking puso kay Jesus at alam kong tutulungan Niya ako.

Kristiyano Ako! Ginagamit ko kung ano ang mayroon ako para tulungan ang aking mga kaibigang nangangailangan.

Sinisikap kong gawin kung ano ang gagawin ni Cristo; tinutularan ko Siya.

Kristiyano Ako! Inaalala ko si Cristo sa paraang nais Niya:

Tumatanggap ako ng sakramento linggu-linggo at nangangakong maging tapat.

Kristiyano Ako! Kahit mag-isa lang ako, nagpapakita ako ng integridad.

Ako’y tapat, matapang, at may kabanalan. Ako’y maaasahan ninyo.

Kristiyano Ako! Pinapatawad ko ang lahat ng mga taong pinipiling gawin kung ano ang mali.

Malugod kong tinatanggap ang kapayapaan at pagkakaibigan at tinutulungan ko ang mga tao na magkasundo.

Kristiyano Ako! Mahal ko si Jesucristo nang buong puso. Totoo iyon!

Kayo naman—mangyaring ibahagi kung ano ang kahulugan ng pagiging Kristiyano sa inyo!

Print