2019
Sinabi ni Jesus na Ibahagi ang Ebanghelyo
Hulyo 2019


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Sinabi ni Jesus na Ibahagi ang Ebanghelyo

Larawan
Jesus Said to Share the Gospel 1
Larawan
Jesus Said to Share the Gospel 2
Larawan
Jesus Said to Share the Gospel 3

Pagkatapos mamatay at mabuhay na mag-uli ni Jesus, binisita Niya ang Kanyang mga disipulo. Sinabi Niya sa kanila na turuan ang lahat ng tao na sundin ang mga kautusan at magpabinyag.

Si Pedro na noon ang propetang mamumuno sa Simbahan sa lupa. Nangako si Jesus na makakasama nila ang Espiritu Santo.

Pagkatapos turuan ang Kanyang mga disipulo, bumalik na si Jesus sa langit.

Nagsimulang maglakbay at magturo ang mga disipulo sa mga tao sa iba’t ibang lupain.

Makakatulong din akong magbahagi ng ebanghelyo. Maaari akong maging mabuting kaibigan at manindigan para sa tama.

Print