Mula sa Unang Panguluhan
Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Hango mula sa “Pagbabahagi ng Ipinanumbalik na Ebanghelyo,” Liahona, Nob. 2016, 57–60.
Inutusan ng Tagapagligtas na si Jesucristo ang Kanyang mga disipulo na ibahagi ang ebanghelyo sa lahat ng tao sa lupa. Sinabi Niya, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15).
Kailangan namin ang lahat ng miyembro ng Simbahan na tumulong na ibahagi ang ebanghelyo sa buong mundo.
Narito ang ilang mga paraan na maaari kang makatulong:
-
Mahalin ang lahat gaya ng pagmamahal mo sa iyong mga kapatid, tulad ng itinuro ni Jesucristo.
-
Sundin ang mga kautusan para maging mabuti kang halimbawa.
-
Ipagdasal na malaman kung sino ang handa nang matuto tungkol sa ebanghelyo at kung paano mo ito maibabahagi sa kanila.
-
Tulungan ang iba na malaman ang iba pa tungkol kay Jesucristo.
Ang gawaing misyonero ay pagkakaroon ng saloobin ng pagmamahal at pagtulong sa iba. Paano man tumutugon ang ibang tao, isa kang matagumpay na missionary kung ibinabahagi mo ang ebanghelyo nang may pagmamahal.