2019
Binisita ni Elder Christofferson ang Pilipinas
Hulyo 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Binisita ni Elder Christofferson ang Pilipinas

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo upang maglingkod sa mga tao at magturo tungkol kay Jesucristo.

Elder Christofferson Visits the Philippines

Binisita nina Elder D. Todd Christofferson at Sister Kathy Christofferson ang mga miyembro ng Simbahan sa Pilipinas. Ito ay isang bansang binubuo ng mahigit 7,000 mga isla o pulo. At may mahigit 770,000 mga miyembro ng Simbahan doon!

Itinuro ni Elder Christofferson:

Maging mabait at alagaan ang iba. Ito ay tinatawag na ministering.

Ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo—lahat ng mga ito!

Ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Maraming miyembro ng Simbahan mula sa Pilipinas—lalo na ang mga kabataang babae—ang naglilingkod sa mga misyon. Sabi ni Elder Christofferson, kilala ang mga babaeng missionary sa pagiging magaling sa pag-aaral ng mga wika.

Sabi ni Elder Christofferson, kung bibisita ka sa Pilipinas, uuwi kang masaya!

“Ang maliliit na bagay ay may malaking impluwensya sa buhay ng mga indibiduwal at pamilya.” —Elder D. Todd Christofferson