Mga Pagbabago sa mga Magasin ng Simbahan
Magkakaroon ng malalaking pagbabago sa mga magasin ng Simbahan simula sa Enero 2021. Ang Liahona ay magiging magasin para sa mga adult na mambabasa, na naglalaan ng isang lathalain para sa mga adult sa buong mundo. Ang mga magasin para sa kabataan at mga bata, bilang mga independiyenteng lathalain, ay magiging available sa iba’t ibang panig ng mundo. At palalawakin at pag-iibayuhin sa mga digital content at insert na may mga lokal na artikulo ang kaalaman sa ebanghelyo at resources na makukuha ng mga miyembro ng Simbahan saanman sila naroon.
Ang pangalang Ensign ay hindi na gagamitin, ang magasin ng mga kabataan ay makikilala na ngayon bilang Para sa Lakas ng mga Kabataan (kapalit ng New Era), at ang Kaibigan pa rin ang ipapangalan sa magasin na para sa mga bata.
Ang mga pagbabagong ito sa mga magasin ay magbibigay ng ilang kapakinabangan sa mga Banal sa mga Huling Araw na nasa iba’t ibang panig ng mundo:
-
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga pamilyang naninirahan sa labas ng mga bansang nagsasalita ng Ingles ay magkakaroon ng pagkakataon na magsuskribe sa mga magasin para sa mga bata at kabataan.
-
Sa ilang lugar at mga wika, ang mga magasin ay ilalathala nang mas madalas kaysa dati.
-
Ang pandaigdigang pamilya ng Simbahan ay tatanggap ng magkakatulad na mga mensahe na naghihikayat ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pandaigdigang mga magasin.