Online System para sa mga Prayer Roll sa Templo
Ang online system ay ginawa para makapagpadala ang mga miyembro ng mga pangalan ng kapamilya o mga kaibigan sa templo para sa layunin na mailagay ang mga pangalang iyon sa prayer roll. Ang mga kahilingang ilagay ang isang pangalan sa mga prayer roll ng templo ay magagawa na ngayon sa pamamagitan ng pagbisita sa alinman sa information page ng templo sa ChurchofJesusChrist.org/temples at pagklik sa prayer roll link. Ang mga kahilingan ay maaari ring gawin sa pamamagitan ng “Temple” section ng Member Tools mobile app. Kapag naipasok na ang mga pangalan, ipadadala ang mga ito sa templong iyon (o sa pinakamalapit na bukas na templo).
Ang mga miyembro ng maraming relihiyon ay nananalangin para sa mga mahal sa buhay at sa ibang tao na may sakit o iba pang mga suliranin. Inilarawan sa mga banal na kasulatan ang mga halimbawa kung saan nanalangin si Jesucristo sa mga pangkat ng tao at hinikayat ang mga naroon na manalangin din. Ang gawain ding ito ay sinusunod sa templo, kung saan nagkakaisa ang mga miyembro sa pananampalataya at panalangin para hilingin sa Diyos na pagpalain ang mga tao na ang mga pangalan ay nasa mga prayer roll.