Missionary Referral System: Simple, Mabilis
Mas simple at mas mabilis kaysa dati para sa mga miyembro na tulungan ang kanilang mga kaibigan na makilala ang mga missionary, salamat sa mga update kamakailan sa missionary referral system para sa mga miyembro. Ang na-update na referral process ay naglalayong maikonekta nang mabilis ang mga missionary sa mga miyembro na nagbigay ng referral upang makapagplano sila ng gagawin na tutulong sa kaibigan ng miyembro na makibahagi nang mabuti sa mga lesson ng mga missionary tungkol sa ebanghelyo.
Ganito ang gagawin:
-
Kapag pumayag ang iyong kaibigan o kakilala na turuan ng mga missionary, punan mo lang ang isang referral form sa pamamagitan ng Member Tools app o sa ChurchofJesusChrist.org/referrals. Maaari ka ring mag-iwan ng iyong contact information at maikling sulat para sa mga missionary.
-
Matapos isumite ang form, kokontakin ka ng isang sister missionary na naka-assign na tumulong sa mga member referral. Ia-assign niya ang referral sa tamang lokasyon at tutulungan kang makipag-ugnayan sa mga lokal na missionary.
-
Tatanggapin din ng mga lokal na missionary ang iyong contact information kasama ang referral. Dahil dito matatalakay mo ang sitwasyon at mga pangangailangan ng iyong referral na kaibigan sa mga missionary. Maaari mo silang kausapin kung paano matutulungan ang iyong kaibigan na magkaroon ng magandang karanasan. May opsiyon ka rin na makibahagi sa mga lesson ng missionary sa paraang nais mo.
“Itinuro sa mga missionary na bawat referral na matatanggap nila mula sa isang miyembro ay dapat ituring na mahalaga,” sabi ni Elder Marcus B. Nash ng Pitumpu. “Kapag tumanggap ng referral ang mga missionary, tinuruan sila na tanungin ka kung paano nila pinakamainam na matutulungan ang iyong kaibigan. Kapag nagtulungan ang mga miyembro at mga missionary, bibigyang-inspirasyon sila ng Panginoon na makalikha ng makabuluhang karanasan upang matulungan ang inyong mga kaibigan na mas mapalapit kay Jesucristo.”
Ang bagong interactive tool na ito ay kasalukuyang magagamit sa 33 wika.