Anim na Bagong Templo ang Ibinalita
Anim na bagong templo ang ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson sa sesyon sa Linggo ng hapon ng pangkalahatang kumperensya. Ang mga templong ibinalita ay para sa:
-
Tarawa, Kiribati. Ang Kiribati ay isang bansa na binubuo ng 32 atoll sa Karagatang Pasipiko na malapit sa international date line.
-
Port Vila, Vanuatu. Ang Vanuatu ay isang bansa na binubuo ng 80 isla sa South Pacific.
-
Lindon, Utah, USA. Ang Lindon ay matatagpuan mga 40 milya (64 km) sa timog ng Salt Lake City.
-
Greater Guatemala City, Guatemala. Ang Guatemala, sa Central America, ay malapit nang magkaroon ng apat na templo.
-
São Paulo East, Brazil. Ito ang magiging ika-12 templo na ibinalita para sa Brazil.
-
Santa Cruz, Bolivia. Ito ang magiging pangalawang templo sa bansang ito ng South America.
Simula nang siya ay maging Pangulo ng Simbahan noong 2018, 49 na bagong templo na itatayo ang naibalita na ni Pangulong Nelson. Ang Simbahan ngayon ay may 230 mga templong ibinalita, kasalukuyang ginagawa, o nagagamit na.