Inilahad ang mga Pagbabago sa Pamumuno
Noong pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2020, isang bagong miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu, isang bagong General Authority Seventy, isang bagong miyembro ng Presiding Bishopric, at apat na bagong Area Seventy ang inihayag.
Si Elder Brent H. Nielson ay sinang-ayunan bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu, kasunod ng pag-release kay Elder L. Whitney Clayton, na pinagkalooban ng emeritus status. Si Elder Patrick Kearon ay naglilingkod na ngayon bilang Senior President ng Pitumpu, ang katungkulang dating hawak ni Elder Clayton.
Si Elder Dean M. Davies ay sinang-ayunan bilang General Authority Seventy kasunod ng pag-release sa kanya bilang Unang Tagapayo sa Presiding Bishopric. Si Bishop W. Christopher Waddell ay sinang-ayunan upang humalili kay Elder Davies bilang Unang tagapayo sa Presiding Bishopric, at si Bishop L. Todd Budge, na ini-release bilang General Authority Seventy, ay sinang-ayunan bilang Pangalawang Tagapayo (ang katungkulang dating hawak ni Bishop Waddell).
Sina Elder Enrique Falabella at Elder Richard J. Maynes ay ini-release rin bilang mga General Authority Seventy at pinagkalooban ng emeritus status.
Ang mga talambuhay ng mga napiling lider ay matatagpuan simula sa pahinang ito. Inilahad rin ang pag-release sa 47 na mga Area Seventy at ang pagtawag sa apat na Area Seventy (tingnan sa pahina 30).