2020
Elder Dean M. Davies
Nobyembre 2020


Elder Dean M. Davies

General Authority Seventy

Habang nagmamaneho pauwi mula sa trabaho noong 1989, naranasan ni Elder Dean M. Davies ang isang lindol sa San Francisco, California, USA, na yumanig nang matindi sa kanyang sasakyan. Kalaunan, habang iniisip niya ang pinsalang idinulot nito sa lugar, napaalalahanan siya ukol sa kahalagahan ng pagtatayo ng ating buhay sa tunay na saligan.

“Wala ni isa sa atin ang sasadyaing magtayo ng ating tahanan, mga lugar na pagtatrabahuhan, o sagradong bahay-sambahan sa ibabaw ng buhangin, durog na bato, o nang walang angkop na mga plano at materyal,” sabi niya. “Tanggapin natin ang paanyaya ng Tagapagligtas na lumapit sa Kanya. Itayo natin ang ating buhay sa ligtas at tunay na saligan.”1

Si Elder Davies, na naglingkod sa Presiding Bishopric simula pa noong Abril 2012, ay sinang-ayunan bilang General Authority Seventy noong Oktubre 3, 2020. Sa Presiding Bishopric, si Elder Davies ay naglingkod bilang Pangalawang Tagapayo kay Bishop Gary E. Stevenson hanggang noong sang-ayunan si Bishop Stevenson bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong Oktubre 3, 2015. Pagkatapos ay sinang-ayunan si Elder Davies bilang Unang Tagapayo kay Bishop Gérald Caussé, na siyang humalili kay Elder Stevenson bilang bagong Presiding Bishop.

Si Dean Myron Davies ay ipinanganak sa Salt Lake City, Utah, USA, noong 1951. Matapos maglingkod bilang full-time missionary sa Uruguay/Paraguay Mission, pinakasalan niya si Darla James noong 1973 sa Salt Lake Temple. Sila ay may 5 anak at 17 apo.

Noong Hulyo 1995, nagsimula siyang magtrabaho para sa Simbahan, kung saan siya ang namamahalang direktor ng Special Projects Department, na may responsibilidad sa real estate na may espesyal na paggagamitan, disenyo ng templo, at pagtatayo ng templo. Bago siya nagtrabaho sa Simbahan, nagtrabaho si Bishop Davies sa High Industries, Inc., ng Lancaster, Pennsylvania, at Bechtel Investments, Inc., ng San Francisco. Nagtapos siya ng bachelor’s degree in agricultural economics sa Brigham Young University at nakatapos ng advanced executive programs sa Stanford University at sa Northwestern University.

Si Bishop Davies ay naglingkod noon bilang pangulo ng Puerto Rico San Juan Mission, counselor sa mission president, stake president, counselor sa stake president, stake executive secretary, high councilor, at sa ilang bishopric.

Tala

  1. Tingnan sa Dean M. Davies, “Isang Tunay na Saligan,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 9, 11.