Update tungkol sa Rebisyon ng Himnaryo
Noong Hunyo 2018, ibinalita ang gagawing rebisyon sa himnaryo at Aklat ng mga Awit Pambata ng Simbahan, kasama ang paghingi ng feedback sa mga miyembro tungkol sa sagradong musika at paghiling sa mga miyembro na magsumite ng mga orihinal na himno, awitin, at teksto. Halos 50,000 mga miyembro ang tumugon sa feedback survey hinggil sa ating kasalukuyang sagradong musika. Nagbahagi rin ang mga tumugon ng kanilang damdamin tungkol sa iminungkahing mga piling musika mula sa ibang relihiyon na pinag-iisipang isama.
Mahigit 16,000 na orihinal na musika ang natangap mula sa mga miyembro sa 66 na bansa. Ang orihinal na mga himno at awiting ito ay nirepaso nang walang pangalan ng mga taong sumulat at nang maraming beses ng isang grupo ng mahuhusay na miyembro mula sa iba’t ibang bansa at ng mga revision committee sa headquarters ng Simbahan.
Nagpapasalamat ang mga committee sa mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo na nagbigay ng kanilang panahon at mga talento upang tulungan ang iba na mas mapalapit sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng sagradong musika. Habang ang lahat ng mga isinumite at mga mungkahi ay maingat na isinasaalang-alang, inaasahan na magagamit sa darating na ilang taon ang mga bagong koleksyon.