2021
Mga Tampok na Kaganapan mula sa Ika-191 Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Mayo 2021


Mga Tampok na Kaganapan mula sa Ika-191 Taunang Pangkalahatang Kumperensya

Ang tuon ng pangkalahatang kumperensya, na ginanap noong katapusan ng linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ay ang Tagapagligtas na si Jesucristo, pagpapalakas sa mga miyembro, at likas na katangian ng Simbahan sa buong mundo.

  • Pahina 6: Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “Nagtitipon tayo bilang isang pandaigdigang pamilyang nagnanais na sambahin ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo.” Itinuro niya na “ang lakas ng Simbahan ay nasa mga pagsisikap at lumalagong mga patotoo ng mga miyembro nito.” Sa buong kumperensya, ang mga pagsisikap ng mga pinuno ng Simbahan na palakasin ang bawat miyembro ay malinaw.

  • Pahina 79: Sa sesyon ng priesthood, itinuro ni Pangulong Nelson kung paano natin magagawang banal na lugar ang ating tahanan, “ang sentro ng pag-aaral at pagsasabuhay ng ebanghelyo,” kahit natapos na ang pandemya.

  • Pahina 101: Sa kanyang mensahe sa Linggo ng umaga, nilinaw ni Pangulong Nelson na ito ay isang pandaigdigang simbahan na may isang ebanghelyo para sa lahat ng tao: “Sa umagang ito, napakinggan natin ang mga lider ng Simbahan na nagmula sa bawat mataong kontinente ng mundo. Talagang ang mga pagpapala ng ebanghelyo ay para sa lahat ng lahi, wika, at tao. Ang Simbahan ni Jesucristo ay isang pandaigdigang simbahan. Si Jesucristo ang ating pinuno.”

  • Pahina 127: Bukod pa rito, ang pagsisikap na palakasin ang mga miyembro ay ipinamalas sa pagbabalita ng 20 bagong templo. “Nais naming mas ilapit ang bahay ng Panginoon sa ating mga miyembro,” sabi ni Pangulong Nelson sa kanyang pangwakas na mensahe. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga templong ibinalita simula noong 1998, kung kailan ibinalita ni Pangulong Gordon B. Hinckley ang pagtatayo ng 32 templo, na nagbukas ng isang bagong panahon ng pagpapalawak ng mga templo.

  • Pahina 139: Para sa iba pang mga halimbawa kung paano hinahangad ng Simbahan na palakasin ang lahat ng anak ng Diyos, tingnan ang mga tampok na kaganapan sa maraming humanitarian project na natapos noong 2020.