2021
Elder Alvin F. Meredith III
Mayo 2021


Elder Alvin F. Meredith III

General Authority Seventy

Sa huling taon ng high school ni Alvin F. Meredith sa Tennessee, USA, napili siya bilang atleta ng taon sa kanyang paaralan ng isang grupo ng mga Kristiyanong estudyanteng atleta.

Hindi nagtagal, ipinaalam sa kanya ng kanyang coach na diniskuwalipika siya ng pamunuan ng estado ng grupo dahil hindi nila kinilala Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang isang relihiyong Kristiyano.

Hiniling ng kanyang coach, na “talagang isang mabuting Kristiyano,” sa organisasyon na magpadala ng isang tao sa paaralan para kausapin ang binatilyong atleta. Dumating ang kinatawan ng organisasyon sa high school at ipinaliwanag ang 10 punto ng doktrina na nagpadama sa kanya na makatarungan ang pasiya nilang idiskuwalipika ang atletang Banal sa mga Huling Araw. Nang makita ang isang Biblia sa bag ng lalaki, itinanong ni Elder Meredith kung maaaring rebyuhin nilang dalawa ang ilang talata.

“Tiningnan namin ang bawat isa sa 10 puntong iyon at pinuntahan namin ang Cronica at Santiago at ang aklat ng Apocalipsis at Corinto,” sabi ni Elder Meredith. “Nahamon ang aking pananampalataya, at dahil sa init ng hamong iyon, napalakas ito at hindi na kailanman nag-alinlangan simula noon.”

Si Alvin Frazier “Trip” Meredith III ay isinilang sa Chattanooga, Tennessee, USA, noong Hulyo 22, 1970, kina Alvin at Mary Meredith. Pinakasalan niya si Jennifer Denise Edgin noong 1998 sa Salt Lake Temple. Mayroon silang anim na anak.

Si Elder Meredith ay nagtapos ng bachelor‘s degree sa psychology mula sa Brigham Young University noong 1994 at nakamit ang kanyang master of business administration degree mula sa University of Chicago noong 2001. Nakapagtrabaho na siya sa GE Capital, Boston Consulting Group, at Asurion.

Noong binata siya, naglingkod si Elder Meredith sa Utah Salt Lake City Mission. Nang tawagin siya bilang isang General Authority Seventy, naglilingkod siya bilang president ng Utah Salt Lake City South Mission. Nakapaglingkod na rin siya bilang Area Seventy, stake president, tagapayo sa isang mission presidency, bishop, at Sunday School teacher.