2021
Elder Vaiangina Sikahema
Mayo 2021


Elder Vaiangina Sikahema

General Authority Seventy

Mula nang maakit ni Vaiangina (Vai) Sikahema ang pansin ng mga recruiter sa kolehiyo bilang isang Arizona, USA, high school football star, naging kilala na siya sa publiko.

Napakagaling niya sa football sa Brigham Young University, na nakipagkumpitensya sa pambansang team ng kampeonato ng Cougars noong 1984. Naglaro siya bilang propesyonal para sa ilang National Football League team at dalawang beses na natawag sa Pro Bowl bago lumipat sa isang matagumpay na propesyon bilang isang news broadcaster.

Ngunit ang pagiging “football player” o “TV anchorman” ay hindi ang tunay na pagkatao ng magiliw na 58-taong-gulang.

“Hindi ako kailanman umasa sa pagkakakilala sa akin bilang isang propesyonal na atleta o broadcaster,” sabi ni Elder Sikahema, na sinang-ayunan bilang General Authority Seventy noong Abril 3, 2021. “Una akong kilala bilang anak ng Diyos at bilang Banal sa mga Huling Araw.”

Isa rin siyang asawa, ama, at priesthood holder—na mga walang-hanggang pagkakakilanlan na lahat.

Isinilang noong Agosto 29, 1962, sa Nuku‘alofa, Tonga, kina Sione at Ruby Sikahema, lumaki si Elder Sikahema sa isang sambahayang hinuhubog ng pamilya at pananampalataya. Ang kanyang mga ninuno ay kabilang sa mga una sa Tonga na sumapi sa Simbahan.

Habang lumalaki sa Mesa, Arizona, isinantabi niya ang mga paghahandang maging propesyonal na boksingero nang matuklasan niya ang kanyang mga talento sa football. Nang tanggapin niya ang isang scholarship para maglaro sa BYU, wala siyang planong maglingkod sa full-time mission.

“Pero natagpuan ko ang sarili ko sa paligid ng mga kabataang lalaki na lubhang tapat na ipamuhay ang ebanghelyo, at ninais kong maging mas katulad nila,” sabi ni Elder Sikahema.

Noong 1982 tumigil siya sandali sa paglalaro ng football sa kolehiyo para maglingkod sa South Dakota Rapid City Mission. Pagbalik niya sa BYU pagkatapos ng kanyang misyon, nakilala niya ang katutubong Hawaiian na si Keala Heder. Ikinasal ang dalawa sa Mesa Arizona Temple noong 1984. Ang mga Sikahema ay mga magulang ng apat na anak.

Bago maging General Authority, naglingkod si Elder Sikahema bilang ward Young Men president, bishop, regional director ng public affairs, mission presidency counselor, stake president, at Area Seventy.