2021
Camille N. Johnson
Mayo 2021


Camille N. Johnson

Primary General President

Iginugol ni Camille N. Johnson ang kanyang buhay sa pag-aaral ng mga salita, pagsasanay rito, at paggamit nito para tulungan ang mga tao na lutasin ang mga problema sa loob ng mahigit 30-taong propesyon niya bilang abogada. At lagi siyang nakadarama ng malaking kapayapaan sa mga salita ng mga banal na kasulatan. Ibinibilang niya ang mga tao sa banal na kasulatan sa kanyang pinakamatatalik na kaibigan.

Gayunpaman, nang lumipat silang mag-asawa sa South America para mamuno sa Peru Arequipa Mission mula 2016 hanggang 2019, ninais niyang matutuhan ang wika. Dahil hindi siya nakapag-aral ng Spanish, ipinagdasal niyang magkaroon ng kakayahang makausap ang kanyang mga missionary at ang mga tao para madama nila ang kanyang pagmamahal sa kanila at ang kanyang patotoo sa Aklat ni Mormon.

“Nagtiwala ako sa Panginoon at umasa sa Espiritu para maiparating ang aking pagmamahal at patotoo kapag hindi ako makapagsalita. Napakaganda at nakaaantig ng natutuhan kong aral na ‘huwag [akong] manalig sa sarili [kong] pang-unawa’ [Mga Kawikaan 3:5] kundi ibigay ang lahat sa aking Tagapagligtas.”

Sa pagdaan ng panahon muli niyang natutuhan ang isang simpleng katotohanan ng ebanghelyo: “Tungkol ito sa pagmamahal sa Tagapagligtas, pagmamahal na tulad ng Tagapagligtas, at pagtutulot na gumana ang pagmamahal at Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa ating buhay.”

Napagpala si Sister Johnson na mahalin ang 552 missionary sa mission at ngayon ay nadarama niya na lumalawak ang pagmamahal sa puso niya para sa isang milyong batang pinangangasiwaan niya.

“Ninanamnam ko ang pagkakataong ito na matuto mula sa mga batang nagpapakita ng dalisay na pagmamahal ni Jesucristo,” wika niya.

Si Camille Neddo Johnson ay isinilang noong Setyembre 12, 1963, kina Hal at Dorothy Neddo sa Pocatello, Idaho, USA. Nagpakasal siya kay Douglas R. Johnson noong 1987 sa Salt Lake Temple. Mayroon silang tatlong anak. Nagtapos siya sa University of Utah sa English noong 1985 at mula sa University of Utah S. J. Quinney College of Law noong 1989.

Si Sister Johnson ay nakapaglingkod na bilang ward Young Women president, sa mga panguluhan ng Relief Society at Primary sa ward, at bilang Gospel Doctrine teacher.