2021
Patuloy ang Pagsulong ng mga Templo
Mayo 2021


Mga Balita sa Simbahan

Patuloy ang Pagsulong ng mga Templo

Sa kanyang pangwakas na mensahe sa pangkalahatang kumperensya, ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga planong magtayo ng 20 bagong templo sa buong mundo (tingnan sa pahina 127). Ang naunang malaking bilang para sa partikular na mga templong ibinalitang minsan ay ang 12 templong ibinalita ni Pangulong Nelson noong Oktubre 7, 2018.

Ibinalita ni Pangulong Gordon B. Hinckley ang mga planong magtayo ng sindami ng 32 bagong templo sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 1998 ngunit hindi naglista ng partikular na mga lugar.

Simula nang maging Pangulo ng Simbahan noong 2018, naibalita na ni Pangulong Nelson ang pagtatayo ng 69 na templo. Ibinalita niya ang 19 na templo noong taong iyon, 16 noong 2019, at 14 noong 2020. May 43 templong kasalukuyang itinatayo o binabago, at sa kabila ng pandemya, nagkaroon na ng groundbreaking para sa 21 bagong templo noong 2020. Mayroon na ngayong 251 mga templo ang Simbahan na naibalita, kasalukuyang itinatayo, o ginagamit na.

Bukod pa sa pagbabalita ng mga templo, binalangkas ni Pangulong Nelson ang apat na yugto para sa muling pagbubukas ng mga templo habang nababawasan ang pandemya.