2021
Ang mga Humanitarian Effort ay Naghahatid ng Ginhawa
Mayo 2021


Ang mga Humanitarian Effort ay Naghahatid ng Ginhawa

Patuloy ang mga pagsisikap ng Simbahan na tumulong sa mga nangangailangan sa buong mundo at magbigay ng humanitarian relief sa mga oras ng krisis.

Sa pinakamalaking humanitarian relief effort sa kasaysayan ng Simbahan, ang Latter-day Saint Charities (ang humanitarian arm ng Simbahan) ay nakatulong na sa maraming tao sa panahon ng pandemyang COVID-19, sa paglalaan ng mga pondo at suplay para makatulong sa pag-iwas at paggamot sa sakit. Ang pagsisikap ay naglaan din ng mga kalakal at pagsasanay para sa mga health-care professional, kabilang na ang patnubay kung paano mag-alok ng pisikal, mental, at emosyonal na suporta.

Nag-adjust na ang mga cannery at food-processing plant ng Simbahan para matugunan ang mga naragdagang pangangailangan, at madaling makakukuha ng mga produkto at kalakal na kinakailangan ang mga lider ng Simbahan, mga ahensya ng komunidad, mga programa sa pagpapakain sa paaralan, mga food bank, at iba pang mga organisasyon na nakipag-partner sa Simbahan, pati na ang mga pamahalaan, mga internasyonal na organisasyong hindi pag-aari ng pamahalaan, at iba pang mga humanitarian group. Sa ngayon, nasuportahan na ng Latter-day Saint Charities ang 1,050 COVID-19 relief project sa 152 bansa.

Simula noong huling pangkalahatang kumperensya, ang Latter-day Saint Charities at pangrehiyon at lokal na mga lider ng Simbahan ay:

  • Nakapag-organisa na ng mga Helping Hand volunteer at relief effort matapos tamaan ng tatlong bagyo ang U.S. Gulf Coast mula sa timog-silangang Texas hanggang sa makitid na lupang nakakabit sa Florida.

  • Nakipagtulungan na sa mga partner at nakipag-ugnayan sa mga lokal na lider ng Simbahan para maglaan ng ginhawa matapos tamaan ng mga bagyo ang Pilipinas. Apatnapung meetinghouse ng Simbahan ang ginamit bilang mga evacuation center.

  • Nakatulong na sa mga biktima ng mga sunog sa kagubatan sa 23 stake sa California, Idaho, Oregon, at Washington, USA.

  • Nakipagtulungan na sa isang partner sa paglalaan ng 180 tonelada ng pagkain para tulungan ang mga taong nangangailangan sa Wyoming, Maryland, Michigan, Nebraska, South Carolina, Colorado, Massachusetts, at North Carolina, USA.

  • Nakapagbigay na ng $1 milyon sa Salvation Army para suportahan ang pamamahagi ng pagkain sa mahigit 150 lokasyon sa buong Estados Unidos.

  • Nakapagbigay na ng pagkain sa 200 lokal na food pantry sa New York, USA.

  • Nakapagpadala na ng 37,500 libra ng damit at 171,168 libra ng pagkain sa Honduras, sa pakikipagtulungan sa mga lider ng pamahalaan at komunidad para tumulong sa mga nakaligtas kasunod ng dalawang bagyo.

  • Nakatulong na sa mga programang paglikom ng pondo na magbibigay ng 30 milyong pagkain para sa mga paaralan sa siyam na bansa sa Africa.

  • Nakapagtaguyod na ng 200 blood drive sa 14 na estado sa North America Central Area ng Simbahan.

  • Nakapagbigay na ng mahigit US $200,000 para sa personal protective gear para sa mga medical professional at mga mask para sa mga bata sa paaralan sa Botswana. May labing-isang lokal na kongregasyon ng Simbahan na sama-samang nanahi ng 8,000 mask para makatulong sa pagsisikap.

  • Nangako nang magkaloob ng US $20-milyon bilang suporta sa pandaigdigang tugon ng United Nations International Children‘s Emergency Fund (UNICEF) sa COVID-19, na tutulong sa paglalaan ng mga bakuna sa 196 na bansa.

  • Nakapagpadala na ng 790,400 libra ng pagkain; 17,000 kahon ng tubig; mga kutson, at iba pang mga suplay sa mga nangangailangan sa Texas at Oklahoma kasunod ng matitinding bagyo sa taglamig.