Binagong mga Kinakailangan sa Pagtatapos sa Seminary
Para masuportahan ang pag-aaral ng ebanghelyo sa tahanan at mahikayat ang araw-araw na pagbabasa ng mga banal na kasulatan, binago na ang mga kinakailangan sa pagtatapos sa seminary. Ngayon, sa kanilang apat-na-taong kurso ng pag-aaral, hindi magrereport ang mga estudyante kung nakumpleto nila ang pagbabasa ng mga aklat ng banal na kasulatan (Lumang Tipan, Bagong Tipan, Aklat ni Mormon, at Doktrina at mga Tipan at Mahalagang Perlas); sa halip ay irereport nila kung nagbasa sila ng mga banal na kasulatan bawat araw nang hindi bababa sa 75 porsiyento ng oras.
Binabago nito ang tuon mula sa paglalagay ng check sa box tungo sa pagkakaroon ng matwid na gawi ng pagkadisipulo na magpapala sa mga estudyante habambuhay. Tinutulutan din nito ang seminary, na dati ay binago para umayon sa 12-buwang iminungkahing iskedyul ng pagbabasa para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, na makipagtulungan sa lahat ng organisasyon ng Simbahan para suportahan ang pag-aaral ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan at suportado ng Simbahan.1
Kabilang sa karagdagang mga kinakailangan sa pagtatapos sa seminary ang pagdalo sa 75 porsiyento ng mga klase at pagpasa ng assessment na may iskor na 75 porsiyento o mas mataas pa. Ang mga sertipiko ng pagkumpleto, na mas tanggap sa ilang lugar, ay pinalitan na ang mga dating ginamit na mga sertipiko ng pagkilala.