2021
Natutugunan ng mga Magasin ang mga Pangangailangan ng Buong Mundo
Mayo 2021


Natutugunan ng mga Magasin ang mga Pangangailangan ng Buong Mundo

Bagong configure na tatlong pandaigdigang lathalain simula noong Enero 2021, ang mga magasin ng Simbahan ay naghahatid ng mga mensahe mula sa mga pinuno ng Simbahan na “may katuturan at napapanahon,” ayon kay Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ang mga bagong magasin para sa mga bata, kabataan, at adult ay “may isang espirituwal at doktrinal na kapangyarihan,” wika niya. Sinusuportahan ng mga paksa ang kurikulum na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at ang iba pang mahahalagang bagay.

“Ang mga magasin ng Simbahan ay isang mahalagang resource para matuto tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at madama ang pagiging kabilang sa Kanyang Simbahan,” sabi ng Unang Panguluhan sa isang liham na nagbabalita sa mga bagong magasin. “Nais namin na ang mga miyembro sa lahat ng dako ay mag-subscribe at malugod na tanggapin ang impluwensyang ito na nagpapalakas ng pananampalataya sa kanilang puso at tahanan.”

Ang Liahona, para sa mga adult; Para sa Lakas ng mga Kabataan, para sa mga tinedyer; at ang Kaibigan, para sa mga bata, ginagawa na ngayong posible na:

  • Magkaroon ng pagkakataon ang mga pamilya sa mga 150 bansa na mag-subscribe sa mga magasin lalo na para sa mga bata at kabataan.

  • Makuha ang mga magasin nang mas madalas sa ilang lugar at wika.

  • Matanggap ng mga miyembro ang parehong mga mensahe na pinagkakaisa ang lahat sa pamamagitan ng mga pandaigdigang magasin.

  • Mas madaling makuha ang mga artikulo sa magasin kapwa sa mga digital at print format.

Hinihikayat ang mga lokal na lider na bigyan ang mga bagong binyag ng isang-taong subscription sa magasin na angkop sa kanilang edad at bigyan ng mga subscription sa Kaibigan o Para sa Lakas ng mga Kabataan ang mga bata at kabataan na nagsisimba nang hindi kasama ang kanilang mga magulang.1