2023
Nagkakaisa Bilang Magkakapatid kay Cristo
Setyembre 2023


“Nagkakaisa Bilang Magkakapatid kay Cristo,” Liahona, Set. 2023.

Welcome sa Isyung Ito

Nagkakaisa Bilang Magkakapatid kay Cristo

nagtipon ang kalalakihan at kababaihan sa isang council meeting

Ang mga tinig kapwa ng kababaihan at kalalakihan ay kailangan upang maisakatuparan ang gawain ng Panginoon. Bagama’t magkaiba, napupunan natin ang kakulangan ng isa’t isa, nagkakaisa sa layunin ng lahat na maging mga disipulo ni Cristo.

Ang ating mga pagkakaiba ay hindi kailangang makahadlang sa layuning ito. Sa halip, kabilang sa ating mga pagkakaiba ang ating mga talento at kontribusyon na sama-samang nagpapalakas sa ating epekto sa pandaigdigang gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Isinulat ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol sa isyung ito, “Naaabot natin ang mas mabubuting desisyon at mas nagtatagumpay tayo sa paglilingkod sa Panginoon kapag pinahahalagahan natin ang mga kontribusyon ng isa’t isa at nagtutulungan, magkakapatid sa Kanyang gawain” (pahina 4). Paano natin nakakamit ang gayong pagkakaisa? Kailangan tayong manampalataya na makakikilos ang Panginoon sa ating mga pagkakaiba para sa kabutihan sa Kanyang kaharian.

Sa aking artikulo sa pahina 8, ibinabahagi ko ang natutuhan ko mula sa salaysay sa Bagong Tipan tungkol sa babae sa Canaan, na naghanap sa Tagapagligtas para pagalingin ang kanyang anak na babae. Ang babae ay hindi kabilang sa sambahayan ni Israel. Pero nanalig siya na mapapagaling ng kapangyarihan ng Panginoon ang kanyang anak, at dahil sa pambihirang pananampalatayang ito ay naging kaisa siya ng mga pinagtipanang tao at nagkaroon ng himala.

Isaalang-alang natin ang Tagapagligtas sa lahat ng ating ginagawa, na ang ating “mga puso ay magkakasama sa pagkakaisa at sa pag-ibig sa isa’t isa” (Mosias 18:21). Pribilehiyo nating matuto mula sa makapangyarihang pagkakaiba ng isa’t isa at pahalagahan ang mga ito tulad ng ginagawa ni Cristo. Lubos akong nagpapasalamat na mayroon akong Pastol na nakaririnig sa mga natatanging tinig ng Kanyang bawat tupa.

Taos-pusong sumasainyo,

Pangulong Camille N. Johnson

Relief Society General President