2023
Mga Sulat ni Apostol Pablo
Setyembre 2023


“Mga Sulat ni Apostol Pablo, Bahagi 2,” Liahona, Set. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Sulat ni Apostol Pablo

Bahagi 2

parchment na may ink bowl at gamit sa pagsusulat

Paglalarawan ni Elspeth Young

Mga Taga Efeso

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Efeso (isang lungsod sa Turkey sa panahong ito)

  • Isinulat mula sa Roma noong mga AD 60–62

  • Layunin: Upang turuan ang mga convert, itaguyod ang pagkakaisa, at hikayatin ang mga Banal na maging masigasig laban sa kasamaan

  • Mahahalagang turo: Ang dispensasyon ng kaganapan ng panahon, kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, organisasyon at layunin ng Simbahan, at kaayusan sa buhay-pamilya

Mga Taga Filipos

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Filipos (isang lungsod sa Greece sa makabagong panahon)

  • Isinulat mula sa Roma noong mga AD 60–62

  • Layunin: Upang purihin ang mga Banal dahil sa kanilang pananampalataya at sakripisyo at magbabala tungkol sa mga tiwaling Kristiyano

  • Mahahalagang turo: Mga alituntunin ng matwid na pamumuhay, pag-asa kay Cristo para sa kaligtasan, at pagsasakripisyo para sa layunin ng ebanghelyo

Mga Taga Colosas

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Colosas (isang lungsod sa Turkey sa panahong ito)

  • Isinulat mula sa Roma noong mga AD 60–62

  • Layunin: Upang magbabala tungkol sa kapalaluan at bigyang-diin na ang pagtubos ay dumarating sa pamamagitan ni Cristo

  • Mahahalagang turo: Ang katangian ni Cristo, pagtatayo ng pundasyon sa Kanya, at pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo

I Mga Taga Tesalonica

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Tesalonica (isang lungsod sa Greece sa makabagong panahon)

  • Isinulat mula sa Corinto (isang lungsod sa Greece ngayon) noong mga AD 50–51

  • Layunin: Upang magbigay ng panghihikayat at sagutin ang mga tanong tungkol sa Ikalawang Pagparito

  • Mahahalagang turo: Pagmamahal sa isa’t isa, Pagkabuhay na Muli, at sa Ikalawang Pagparito

II Mga Taga Tesalonica

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Tesalonica (isang lungsod sa Greece sa makabagong panahon)

  • Isinulat mula sa Corinto (isang lungsod sa Greece ngayon) noong mga AD 50–51

  • Layunin: Upang mapalakas ang pananampalataya at linawin ang mga maling pagkaunawa tungkol sa Ikalawang Pagparito

  • Mahahalagang turo: Ang kapalaran ng masasama, ang Malawakang Apostasiya, at ang kahalagahan ng pagsisikap na magbigay ng mga temporal na pangangailangan