2023
Paano Ko Pasisimplihin ang Aking Buhay para Makapagtuon kay Cristo?
Setyembre 2023


“Paano Ko Pasisimplihin ang Aking Buhay para Makapagtuon kay Cristo?,” Liahona, Set. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

2 Corinto 8–13

Paano Ko Pasisimplihin ang Aking Buhay para Makapagtuon kay Cristo?

Nakatingin si Jesus habang pinakakain ang mga tao

They Were All Filled [Silang Lahat ay Napuspos], ni Walter Rane; larawan ng magnifying glass sa pamamagitan ng Getty Images

Itinuturo sa atin ni Apostol Pablo na pagtuunan ang “kadalisayan (kasimplihan) kay Cristo” (2 Mga Taga Corinto 11:3).

Nahuhuli mo ba ang iyong sarili na ginagawang mas kumplikado ang ebanghelyo ni Jesucristo? Kung minsan masyado tayong nakatuon sa panlabas na hitsura o maliliit na detalye kaya nadarama natin na nahihirapan tayo.

Gawing Simple ang Iyong Pamamaraan

Ito ang mungkahi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Kung inaakala ninyo na walang gaanong nagagawa ang ebanghelyo para sa inyo, inaanyayahan ko kayong umatras, tingnan ang inyong buhay, at simplihan ang inyong pamamaraan sa pagkadisipulo. Magpokus sa mga pangunahing doktrina, alituntunin, at aplikasyon ng ebanghelyo. Ipinapangako ko na gagabayan at pagpapalain ng Diyos ang inyong landas tungo sa kasiya-siyang buhay, at talagang malaki ang magagawa ng ebanghelyo para sa inyo” (“Napakaganda ng Nagagawa Nito!,” Liahona, Nob. 2015, 22).

Ano ang isang pangunahing doktrina, alituntunin, o pagsasabuhay ng ebanghelyo na maaari mong pagtuunan ng pansin sa linggong ito?