2023
Taipei, Taiwan
Setyembre 2023


“Taipei, Taiwan,” Liahona, Set. 2023.

Narito ang Simbahan

Taipei, Taiwan

mapa na may bilog sa paligid ng Taiwan
lungsod ng Taipei sa Taiwan

Ang unang gusali ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Taiwan, na natapos noong 1966, ay itinayo ng mga lokal na miyembro sa kabisera ng Taipei. Ngayon, ang Simbahan sa Taiwan ay may:

  • 62,100 miyembro (humigit-kumulang)

  • 16 stake, 98 na mga ward at branch, 2 mission

  • 1 templo sa Taipei, 1 ibinalitang itatayo sa Kaohsiung

Pagbisita sa Templo

pamilyang magkakasamang naglalakad

Naglalakad ang pamilya Ruan papunta sa bakuran ng templo sa Taipei. Sabi ni Sister Ruan, “Ang pagpunta sa templo ay nagpapaalala sa akin ng mga priyoridad sa buhay at nagbibigay sa akin ng espirituwal na lakas at kapayapaan.” Sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2021, ibinalita rin ni Pangulong Russell M. Nelson na itatayo ang pangalawang templo sa Kaohsiung.

Iba pa tungkol sa Simbahan sa Taiwan

mga miyembro ng pamilya sa Taiwan na gumagawa ng family history

Masaya ang pamilyang ito na malaman ang tungkol sa kanilang family history. Ang FamilySearch ay available sa Chinese at 29 pang mga wika.

mga kabataang babae na nagle-lesson sa simbahan

Nagtitipon ang mga kabataang babae para sa lesson na pinamumunuan ng mga kabataan at suportado ng lider sa araw ng Sabbath.

pamilyang naglalakad sa harap ng Taipei Taiwan Temple

Ang Taipei Taiwan Temple ay inilaan ni Pangulong Gordon B. Hinckley noong 1984.

iginuhit na larawan ng Kaohsiung Taiwan Temple

Ang Kaohsiung Taiwan Temple ay ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson noong 2021.