2023
Ang mga Paglalakbay ni Apostol Pablo
Setyembre 2023


“Ang mga Paglalakbay ni Apostol Pablo,” Liahona, Set. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ang mga Paglalakbay ni Apostol Pablo

mapa ng mga paglalakbay ni Pablo

Sinimulan ni Pablo ang apat na pangunahing paglalakbay bilang missionary, naglakbay nang mga 9,150 milya (14,725 km) sa loob ng 14 na taon. Ang kanyang kahandaang maglakbay nang malayo upang mangaral tungkol kay Cristo ay nakatulong sa pagtatatag ng Kristiyanismo sa buong Mediteraneo.

Mga Paglalakbay ni Pablo Bilang Missionary

Unang Paglalakbay (tingnan sa Mga Gawa 13:1–14, 28.)

  • Panahon: circa AD 47–49

  • Kasama sina: Bernabe at Juan Marcos

  • Mga pangunahing destinasyon: Cyprus, Turkey

  • Distansya: mga 1,400 milya (2,250 km)

Pangalawang Paglalakbay (tingnan sa Mga Gawa 15:36–18:22)

  • Panahon: circa AD 50–53

  • Kasama sina: Silas, Timoteo, Priscilla at Aquila, at Lucas

  • Mga pangunahing destinasyon: Siria, Turkey, Greece, Jerusalem

  • Distansya: mga 2,800 milya (4,500 km)

Pangatlong Paglalakbay (tingnan sa Mga Gawa 18:23–21:15)

  • Panahon: circa AD 54–58

  • Kasama sina: Timoteo, Lucas, at iba pa

  • Mga pangunahing destinasyon: Turkey, Greece, Lebanon, Israel

  • Distansya: mga 2,700 milya (4,350 km)

Pang-apat na Paglalakbay (tingnan sa Mga Gawa 27:1–28:16)

  • Panahon: circa AD 59–60

  • Kasama ang/si: Mga bantay ng Roma, Lucas, at iba pa

  • Mga pangunahing destinasyon: Israel, Lebanon, Turkey, Creta, Malta, Sicily, Roma

  • Distansya: mga 2,250 milya (3,600 km)