2023
Paano Natin Magagawang Mas Nagkakaisa ang Ating mga Kongregasyon?
Setyembre 2023


“Paano Natin Magagawang Mas Nagkakaisa ang Ating mga Kongregasyon?” Liahona, Set. 2023, 44.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

I Mga Taga Corinto 10–12

Paano Natin Magagawang Mas Nagkakaisa ang Ating mga Kongregasyon?

iba’t ibang gawain na makahihikayat ng pagkakaisa sa mga miyembro ng Simbahan

Larawang-guhit ni Vicky Scott

Narinig ni Pablo na may mga dibisyon sa mga miyembro ng Simbahan sa lungsod ng Corinto (tingnan sa I Mga Taga Corinto 11:18). Bilang tugon, nagsumamo siya sa kanila sa isang liham na “huwag magkaroon ng pagkakagulo sa katawan, kundi ang mga bahagi ay magkaroon ng magkatulad na malasakit sa isa’t isa” (I Mga Taga Corinto 12:25).

Maipapakita natin itong “malasakit sa isa’t isa” sa pamamagitan ng di-makasariling pagpapakita ng pagmamahal at pag-ibig sa kapwa. Binanggit ni Pablo ang ilang paraan na magagawa natin ito upang maging mas nagkakaisa ang ating mga ugnayan.

Magalak at makidalamhati sa kapwa.

“Kapag ang isang bahagi ay naghihirap, lahat ay naghihirap na kasama niya; o kapag ang isang bahagi ay pinararangalan, sama-samang nagagalak ang mga bahagi” (1 Corinto 12:26).

Magsagawa ng di-makasariling paglilingkod.

“Huwag hanapin ng sinuman ang kanyang sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng iba” (Joseph Smith Translation, 1 Corinthians 10:24 [sa I Mga Taga Corinto 10:24).

Pagkaisahin ang ating mga patotoo tungkol sa Tagapagligtas

“Sapagkat may isang tinapay, tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay [ni Cristo]” (I Mga Taga Corinto 10:17).

Mahalin ang lahat.

“Huwag kayong maging katitisuran para sa mga Judio, o sa mga Griyego, o sa iglesya ng Diyos” (I Mga Taga Corinto 10:32).