“Paano Tayo Tinutulungan ng Kalumbayang mula sa Diyos na Magsisi?,” Liahona, Set. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Tayo Tinutulungan ng Kalumbayang mula sa Diyos na Magsisi?
Itinuro ni Apostol Pablo na ang “Kalumbayang mula sa Dios ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas … datapuwa’t ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay [na]kamamatay” (II Mga Taga Corinto 7:10). Maaari tayong makadama ng kalumbayang ayon sa sanlibutan, kahihiyan, at panghihina-ng-loob kapag nagkakasala tayo. Pero kapag bumaling tayo sa Tagapagligtas para magsisi, inaanyayahan natin Siya na baguhin ang ating puso at gawing kagalakan ang ating kalungkutan (tingnan sa Alma 36:18–20).
Kalumbayang mula sa Diyos at Tunay na Pagsisisi
Kapag nakadarama tayo ng kalumbayang mula sa Diyos, kinikilala natin ang ating mga pagkukulang at gusto nating magpakabuti. Nakadarama tayo ng pag-asa sa hinaharap—at nadarama ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin.
Pag-isipan ang mga tanong na ito habang pinag-aaralan mo ang 2 Mga Taga Corinto 7:
-
Ano ang ibig sabihin ng “nalungkot tungo sa pagsisisi”? (talata 9).
-
Anong mga hakbang ang ginagawa natin kapag nadarama natin ang kalumbayang mula sa Diyos? (tingnan sa mga talata 10–11).