“Pangkalahatang Timeline ng mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Simbahan: 1805–1846,” Materyal para sa Titser ng Kasaysayan ng mga Banal sa mga Huling Araw: 1815–1846 (2018)
“Timeline,” Materyal para sa Titser ng Kasaysayan ng mga Banal sa mga Huling Araw: 1815–1846
Pangkalahatang Timeline ng mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Simbahan: 1805–1846
-
1805Isinilang si Joseph Smith.
-
1820Ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith.
-
1823Unang beses na nagpakita ang anghel na si Moroni kay Joseph Smith.
-
1827Tinanggap ni Joseph Smith ang mga laminang ginto.
-
1829Natapos ni Joseph Smith ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon.
-
1829Ipinanumbalik ang Aaronic at Melchizedek Priesthood.
-
1830Inilimbag ang Aklat ni Mormon.
-
1830Inorganisa ang Simbahan.
-
1831Ang Kirtland, Ohio, ay naging lugar ng pagtitipon para sa mga Banal.
-
1831Tinukoy ng Panginoon ang Independence, Missouri, bilang lugar para sa lunsod ng Sion.
-
1833Ang mga Banal sa Jackson County, Missouri, ay sapilitang pinaalis sa county.
-
1834Pinamunuan ni Joseph Smith ang kampo ng Israel (ang kampo ng Sion) mula Ohio patungong Missouri.
-
1835Inorganisa ang Korum ng Labindalawang Apostol at ang Unang Korum ng Pitumpu.
-
1836Inilaan ang Kirtland Temple.
-
1836Ang mga susi ng priesthood ay ibinigay kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Kirtland Temple.
-
1838Lumipat sina Joseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan sa Far West, Missouri.
-
1838Ibinilanggo si Joseph Smith sa Piitan ng Liberty.
-
1839Napilitan ang mga Banal sa Missouri na lisanin ang estado.
-
1839Sumama si Joseph Smith sa mga Banal sa Illinois at tumulong sa pagtatatag ng Nauvoo.
-
1840Sinimulan ni Joseph Smith ang pagtuturo tungkol sa pagbibinyag para sa mga patay.
-
1842Itinatag ang Relief Society.
-
1842Inilahad ni Joseph Smith ang mga ordenansa ng endowment sa Nauvoo.
-
1843Ang paghahayag tungkol sa walang-hanggang kasal at maramihang pag-aasawa (D at T 132) ay itinala.
-
1844Pinaslang bilang martir sina Joseph at Hyrum Smith.
-
1844Sinang-ayunan ang Korum ng Labindalawang Apostol na mamuno sa Simbahan.
-
1846Maraming Banal ang nagsimula sa kanilang paglalakbay patungo sa Lambak ng Salt Lake.
-
1846Inilaan ang Nauvoo Temple.