Institute
Lesson 28: Tinapos ng mga Banal ang Nauvoo Temple, at Maraming Banal ang Nabigyan ng Endowment at Nabuklod


“Lesson 28: Tinapos ng mga Banal ang Nauvoo Temple, at Maraming Banal ang Nabigyan ng Endowment at Nabuklod,” Materyal para sa Titser ng Kasaysayan ng mga Banal sa mga Huling Araw: 1815–1846 (2018)

“Lesson 28,” Materyal para sa Titser ng Kasaysayan ng mga Banal sa mga Huling Araw: 1815–1846

Lesson 28

Tinapos ng mga Banal ang Nauvoo Temple, at Maraming Banal ang Nabigyan ng Endowment at Nabuklod

Pambungad at Timeline

Hindi nagtagal matapos ang pagkamatay bilang martir ni Propetang Joseph Smith, ipinagpatuloy ng mga Banal ang pagtatayo ng Nauvoo Temple. Nagsakripisyo sila at masigasig na nagtrabaho upang tapusin ang templo. Noong Disyembre 1845, nagsimula ang mga lider at miyembro na pangasiwaan ang mga endowment sa templo para sa iba pang mga Banal sa kisameng palapag ng hindi pa tapos na templo. Walang kapaguran silang nagtrabaho upang tulungan ang mahigit 5,500 tao na matanggap ang kanilang endowment bago pinilit ang mga Banal ng tumitinding oposisyon at pang-uusig na lisanin ang Nauvoo. Nagsagawa rin ang mga Apostol ng mga ordenansa ng pagbubuklod upang pag-isahin ang mga mag-asawa at mga anak para sa kawalang-hanggan. Noong Pebrero 4, 1846, nilisan ng unang grupo ng mga Banal ang Nauvoo at nagtungo sa Lambak ng Salt Lake.

Hulyo 8, 1844Ipinagpatuloy ng mga Banal ang paggawa sa Nauvoo Temple.

Nobyembre 30, 1845Inilaan ni Brigham Young ang kisameng palapag ng Nauvoo Temple.

Disyembre 10, 1845Sinimulan ng mga Banal ang mga gawain ng ordenansa ng endowment sa itaas ng kisameng palapag ng Nauvoo Temple.

Pebrero 4, 1846Nagsimula ang unang grupo ng mga Banal sa kanilang exodo mula sa Nauvoo.

Abril 30–Mayo 1, 1846Inilaan ang natapos na Nauvoo Temple.

Mga Babasahin ng mga Estudyante

Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 (2018), kabanata 46

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ipinagpatuloy ng mga Banal ang kanilang pagsisikap upang tapusin ang Nauvoo Temple

Bago magklase, isulat ang sumusunod na tanong sa pisara: Ano kaya ang buhay ninyo kung hindi makukuha ang mga pagpapala ng templo?

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang sagot sa tanong na ito. Isiping tawagin ang isa o dalawang estudyante na magbahagi ng kanilang mga sagot sa klase.

Ipaliwanag na noong pinaslang bilang martir si Propetang Joseph Smith, karamihan sa mga Banal ay hindi natanggap ang kanilang mga ordenansa sa templo dahil hindi pa natatapos ang Nauvoo Temple. Noong Oktubre 1844, ang Korum ng Labindalawang Apostol ay naglathala ng isang liham sa mga Banal tungkol sa kapakanan ng Simbahan at ng kahalagahan ng pagtapos sa templo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na sipi mula sa sulat. Sabihin sa klase na alamin ang sinabi ng mga Apostol sa mga Banal.

“Ang templo, bilang isang dakila at maluwalhating pampublikong gawain, ay agad na nag-ugnay sa pagtatapos ng ating mga paghahanda, at mga ordenansa, na nauukol sa ating kaligtasan at kadakilaan, at sa ating mga patay, ay kinakailangang maging ating una, at pangunahing prayoridad. …

“Hayaan ang mga banal ngayon na ipadala ang kanilang mga kabataang lalaki na malakas upang magtrabaho, kasama ang pera, pagkain, damit, kasangkapan, mga hayop, at bawat sapat na panustos, tulad ng alam nila na magugustuhan nila sa kanilang pagdating, para sa layunin ng pagsusulong ng gawaing ito” (“An Epistle of the Twelve,” Times and Seasons, Okt. 1, 1844, 668).

  • Sa palagay ninyo, bakit ang paggawa sa templo ay may napakataas na priyoridad para sa mga Banal noong panahong iyon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang isa pang sipi mula sa parehong sulat:

“Oo, mga kapatid, totoong alam namin at pinapatotohanan, na ang ulap ng pagpapala, at ng endowment, at ng mga susi ng kabuuan ng priesthood, at mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan, ay malapit na sa atin, at handang bumuhos sa atin; o sa kasing dami ng mamumuhay nang karapat-dapat dito, at kapag may lugar na sa mundo para tanggapin ang mga ito. … Hayaan na [walang] … gumambala sa inyong mga isipan mula sa lahat ng mahalagang gawaing ito” (“An Epistle of the Twelve,” Times and Seasons, Okt. 1, 1844, 668).

  • Anong mga pagpapala mula sa Diyos ang makukuha lamang sa mga templo? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na katotohanan sa pisara: Ang mga pinakamatataas na pagpapala mula sa Diyos, kabilang ang buhay na walang hanggan, ay makukuha lamang sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo.)

  • Paano iniimpluwensyahan ng pang-unawa sa katotohanang ito ang inyong pananaw sa kahalagahan ng templo sa inyong buhay?

Nagsakripisyo ang mga Banal upang makumpleto ang Nauvoo Temple at tumanggap ng kanilang mga endowment, sa kabila ng matinding pag-uusig

Nauvoo Temple

Idispley ang kalakip na larawan ng Nauvoo Temple, at itanong:

  • Batay sa pagkakabasa ninyo ng kabanata 46 ng Mga Banal: Tomo 1, ano ang ilan sa mga hamong hinarap ng mga Banal sa pagtatayo ng Nauvoo Temple? (Humarap ang mga Banal sa mga banta at pag-uusig mula sa mga lokal na mandurumog, at kakaunti ang kanilang oras at mga kagamitan.)

Ipaliwanag na pagsapit ng taglagas ng 1845, nagsimulang salakayin ng mga lokal na mandurumog ang mga miyembro ng Simbahan nang mas madalas. Si Levi Williams, isa sa mga lalaking napawalang-sala sa pagpatay kay Propetang Joseph Smith, ay pinamunuan ang mga mandurumog na may dalawang daang tao sa sistematikong pagsunog ng mga liblib na bukirin at tahanan ng mga Mormon. Humingi ang mga lider ng Simbahan ng mga boluntaryong tutulong na ilikas ang mga Banal at dalhin sila sa Nauvoo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Perrigrine Sessions, isang miyembro ng Simbahan na naninirahan sa Nauvoo sa panahong ito:

Perrigrine Sessions

“Ang mga buwan ng Setyembre at Oktubre ay isang panahon ng patuloy na Digmaan at kaguluhan, at ang gawain sa Templo ay halos napilitang itigil, at ang mga manggagawa, marami sa kanila, ay nagdala ng maliliit na baril sa lahat ng oras at itinabi ang kanilang mga musketa kung saan nila makukuha ang mga ito sa isang sandali ng babala” (Perrigrine Sessions, sa Exemplary Elder: The Life and Mission Diaries of Perrigrine Sessions, 1814–1893, pat. Donna Toland Smart [2002], 88–89; iniayon ang pagbabaybay, pagbabantas, at balarila sa pamantayan).

  • Ano kaya sa inyong palagay ang naghikayat sa mga Banal na patuloy na itayo ang templo sa kabila ng pag-uusig na ito?

Ipaliwanag na noong Oktubre 1845 nakipag-usap ang mga Banal sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at sumang-ayong umalis ng Nauvoo sa loob ng anim na buwan. Sa isang kumperensya ng Simbahan noong Oktubre 6, ibinalita ni Brigham Young na ang mga Banal ay lilisanin ang Nauvoo at tutungo sa kanluran. Sa kabila ng desisyon ng mga Banal na lumipat sa kanluran, masigasig silang nagtrabaho na kumpletuhin ang templo upang matanggap nila ang endowment bago sila umalis.

Hatiin ang klase sa mga grupo na may dalawa o tatlong estudyante. Bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga kalakip na handout. Sabihin sa mga grupo na basahin nang sabay-sabay ang kanilang mga handout at talakayin ang kanilang mga sagot sa mga tanong na nasa kanilang mga handout.

Handout 1: Nagsakripisyo ang mga Banal Upang Maitayo ang Templo

Pinili ng mga Banal sa Nauvoo na gumawa ng malalaking sakripisyo upang makumpleto ang Nauvoo Temple.

Ginunita ng miyembro ng Simbahan na si Louisa Barnes Pratt:

Louisa Barnes Pratt

“Kami ay nanalangin at nagtrabaho upang mapabilis ang pagtatapos ng templo. Ang kababaihan ay nagdesisyon pang magbayad ng limampung sentimos bawat isa para sa pagbili ng mga pako at salamin. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagtitipid ay nakamit ko ang halaga. Nagsimula akong tumungo nang may mabuting hangarin sa tanggapan ng Templo upang ipagkaloob ang kontribusyon ko. Habang ako ay naglalakad, bigla akong nilapitan ng isang tukso. Napatigil ako. Pinag-isipan ko, kung gaano karaming mga bagay ang kailangan ko para magamit ng pamilya, at ang perang iyon ay maiibsan ang aking kasalukuyang mga pangangailangang pananalapi. Sa isang iglap pa ay tumanggi ako. Iwinika ko sa sarili ko, ‘kung kahit maliit na piraso ng tinapay na lang ang matira sa araw-araw sa buong linggo, ibibigay ko pa rin ang perang ito sa kabang-yaman.’

“Sumuong ako na may nagmamadaling hakbang, ipinagkaloob ang pera at bumalik na nadarama ang isang lihim na kasiyahan. Kinabukasan habang nakaupo ako malapit sa aming pintuan, isang brother ang dumaan at inihagis ang isang dolyar na pilak sa alpombra sa aking pintuan. … Gayon na lamang ang pagpapasalamat ko. Nagtungo ako sa tindahan at bumili ng mga bagay na lubos kong kailangan” (Louisa Barnes Pratt, sa The History of Louisa Barnes Pratt, pat. S. George Ellsworth [1998], 72–73).

Isinulat ng miyembro ng Simbahan na si Elizabeth Kirby Heward ang sumusunod:

“Hindi ko magawang malungkot na mahiwalay sa aking mga pag-aari, maliban sa relo ng [aking yumaong asawa]. Kung kaya, ibinigay ko ito upang tumulong sa pagtatayo ng Nauvoo Temple at lahat ng iba pa na maibibigay ko at ang tanging natitirang dolyares ko sa mundong ito, na kapag pagsasama-samahin ay umabot nang halos $50” (Elizabeth Kirby Heward, sa Carol Cornwall Madsen, In Their Own Words: Women and the Story of Nauvoo [1994], 180).

Madalas nag-aalala ang mga lider ng Simbahan at komite ng templo na ang gawain sa templo ay mahahadlangan ng kakulangan sa pondo. Kalaunang ginunita ni Pangulong Brigham Young (1801–77) ang sumusunod na karanasan hinggil kay Joseph Toronto, isang dating sundalo mula sa Italy na nabinyagan noong 1843:

Brigham Young

“Nagawa namin [ang] maraming trabaho noong panahong iyon sa templo, at napakahirap kumuha ng tinapay para sa mga trabahador upang kainin. Sinabi ko sa … komite na namamahala ng mga [kagamitan] ng templo na gamitin ang lahat ng harina na mayroon sila at ibibigay sa kanila ng Diyos ang higit pa, at ginawa nga nila ito, at may maikling panahon lamang bago pumarito si Brother Toronto at nagbigay sa akin ng dalawampu’t limang daang dolyar na halaga ng ginto. … Sabi ko [sa Bishop], ‘Ngayon, humayo ka at bumili ng harina para sa mga manggagawa sa templong iyon, at huwag muling mawalan ng tiwala sa Panginoon, sapagkat mapapasaatin ang kailangan natin’” (Brigham Young, sa Wilford Woodruff, Wilford Woodruff’s Journal, pat. Scott G. Kenney [1984], 5:19–20; iniayon ang pagbabaybay, paggamit ng malalaking titik, at pagbabantas sa pamantayan).

  • Sa inyong palagay, bakit handang magsakripisyo nang husto ang mga taong ito para sa pagtatayo ng Nauvoo Temple?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa saksripisyo mula sa mga talang ito?

Handout 1: Nagsakripisyo ang mga Banal upang Itayo ang Templo

Handout 2: Nagsakripisyo ang Mga Banal upang Tulungan ang Bawat Isa na Tumanggap ng Endowment

Noong Nobyembre, 30, 1845, inilaan ni Brigham Young ang kisameng palapag ng Nauvoo Temple, at noong Disyembre 10, 1845, ay nagsimulang pangasiwaan ang mga endowment sa templo.

Ginunita ni Erastus Snow: “Sa ikalabindalawang araw ng Disyembre, ang sarili ko at asawa [ko], si Artimesia, ay natanggap ang unang ordenansa ng mga endowment, at kami ay tinawag upang gumawa at mangasiwa sa templo mula sa panahong yaon; at ako ay hindi umalis sa templo, araw o gabi, ngunit patuloy sa mga gawain at tungkulin dito—kasama ang labindalawa at iba pa na napili para sa layuning ito—sa loob ng mga anim na linggo. Nagpatuloy si Ginang Snow … mga isang buwan” (“From Nauvoo to Salt Lake in the Van of the Pioneers: The Original Diary of Erastus Snow,” pat. Moroni Snow, Improvement Era, Peb. 1911, 285).

Isinulat ni Elizabeth Ann Whitney: “Ibinigay ko ang aking sarili, ang aking oras at atensyon sa misyong iyon. Nagtrabaho ako sa Templo araw-araw nang walang tigil hanggang sa magsara ito” (“A Leaf from an Autobiography,” Woman’s Exponent, Peb. 15, 1879, 191).

Itinala ni Mercy Fielding Thompson na siya “ay tinawag ni Pangulong Young na lumipat at tumira doon [sa templo] upang tumulong sa departamentong pambabae, na ginawa ko naman, gumagawa gabi’t araw, kasama ang anak ko” (sa Mattew S. McBride, A House for the Most High: The Story of the Original Nauvoo Temple [2007], 285).

Paggunita ni Pangulong Brigham Young: “Gayon na lamang ang kasabikang ipinamalas ng mga Banal na tanggapin ang mga ordenansa ng endowment, at gayon din kami kasabik na matanggap nila ito, na isinuko ko ang aking sarili nang lubusan sa gawain ng Panginoon sa Templo. Halos ang araw at gabi ay ginugol ko [sa templo], at natutulog nang hindi hihigit sa apat na oras sa bawat 24 na oras—at bihira na hinahayaan ang aking sarili na magkaroon ng oras at pagkakataong makauwi sa tahanan nang minsan sa isang linggo” (Brigham Young office files, Journal, Sept. 28, 1844–Feb. 3, 1846, 101–2, Church History Library, Salt Lake City; iniayon ang pagbabaybay at pagbabantas sa pamantayan).

  • Sa inyong palagay, bakit handa ang mga taong ito na magsakripisyo nang husto para tulungan ang iba na tanggapin ang kanilang endowment?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa saksripisyo mula sa mga talang ito?

Handout 2: Nagsakripisyo ang Mga Banal upang Tulungan ang Bawat Isa na Tumanggap ng Endowment

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa dalawang estudyante na nagbasa ng handout 1 at sa dalawang estudyante na nagbasa ng handout 2 na ibuod para sa klase ang mga tala na binasa nila sa kanilang mga handout.

  • Anong mga katotohanan tungkol sa sakripisyo ang matutukoy natin mula sa mga halimbawang ito? (Maaaring makapagbigay ng maraming wastong sagot ang mga estudyante. Matapos silang sumagot, isulat ang mga sumusunod na katotohanan sa pisara: Kapag kinilala natin ang kahalagahan ng mga ordenansa sa templo, gagawin natin ang anumang sakripisyo na kailangan para matamo ito. Pagpapalain tayo ng Panginoon habang gumagawa tayo ng mga sakripisyo upang gawin ang Kanyang kalooban.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

Thomas S. Monson

“Alam ng mga nakauunawa sa walang hanggang mga pagpapalang nagmumula sa templo na walang sakripisyong napakalaki, walang kapalit na napakabigat, walang pagsisikap na napakahirap upang matanggap ang mga pagpapalang iyon. Walang paglalakbay na napakalayo, walang maraming balakid na hindi malalagpasan, o napakaraming hirap na hindi mapagtitiisan. Nauunawaan nila na ang nakapagliligtas na mga ordenansang natanggap sa templo na nagtutulot sa atin na makabalik balang araw sa ating Ama sa Langit sa ugnayan ng pamilyang walang hanggan at mapagkalooban ng mga pagpapala at kapangyarihan mula sa itaas ay sulit sa lahat ng sakripisyo at pagsisikap” (Thomas S. Thomas S. Monson, “Ang Banal na Templo—Isang Tanglaw sa Mundo,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 92.

  • Ano ang ilang sakripisyo na maaring kailanganing gawin ng mga tao ngayon upang matamo ang mga pagpapala ng templo?

  • Paano kayo napagpala nang gumawa kayo ng mga sakripisyo upang mataggap ang mga ordenansa sa templo at upang sambahin ang Panginoon sa templo?

Sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang study journal ang isang bagay na maaari nilang isakripisyo upang lubusang matamo at matamasa ang mga walang hanggang pagpapala ng templo. Hikayatin ang mga estudyante na isagawa ang isinulat nila.

Nilisan ng mga Banal ang Nauvoo

Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang kabanata 46 ng Mga Banal: Tomo 1. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng pahina 664, simula sa talata “Noong Pebrero 2 …” at nagtatapos sa talata sa pahina 666 na nagsisimula sa “Noong mga dumating na araw at linggo …”

video iconSa halip na basahin ang kabanata 46 ng Mga Banal: Tomo 1, maaari mong ipapanood ang bahagi ng video na “Endowed with Power” (12:17), na ipinapakita ang mga pagsisikap ni Brigham Young na bigyan ng endowment ang Mga Banal bago sila umalis sa Nauvoo. Ipalabas ang video mula sa time code 0:00 hanggang 4:13. Ang video na ito ay makukuha sa ChurchofJesusChrist.org.

  • Ano ang pinakanapansin ninyo sa talang ito?

  • Sa inyong palagay, sa paanong paraan inihanda ng mga tipan ang mga Banal sa Nauvoo para sa kanilang mahabang paglalakbay sa Kanluran?

Ipaliwanag na noong Pebrero 4, 1846, ang mga unang bagon ng mga Banal ay nilisan ang Nauvoo. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Sarah DeArmon Pea Rich. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano ang nagawa sa kanya ng mga pagpapala ng templo.

Sarah DeArmon Pea Rich

“Marami kaming natanggap na pagpapala sa bahay ng Panginoon, na nagdulot sa amin ng galak at kapanatagan sa gitna ng lahat ng aming pagdurusa at tumulong sa amin na sumampalataya sa Diyos batid na gagabayan at palalakasin Niya kami sa walang katiyakang paglalakbay na aming haharapin” (Sarah P. Rich, Autobiography and journal, 1885–1890, 66, Church History Library, Salt Lake City; iniayon ang paggamit ng malalaking titik sa pamantayan).

  • Batay sa salaysay ni Sarah, paano inihanda ng mga pagpapala ng templo ang mga Banal sa kanilang paglalakbay pakanluran?

  • Anong katotohanan tungkol sa mga ordenansa at mga tipan sa templo ang matutukoy natin mula sa pahayag ni Sarah? (Bagama’t maaaring magkakaiba ang mga salita ng mga estudyante, dapat nilang matukoy ang katotohanang tulad ng sumusunod: ang mga ordenansa at mga tipan sa Templo ay makatutulong sa atin na magkaroon ng kagalakan, kapanatagan, at mas malakas na pananampalataya sa Diyos sa mga mahihirap na kalagayan.)

  • Paanong ang pagsamba sa templo ay nagbigay sa inyo ng kagalakan, kapanatagan, at mas malakas na pananampalataya upang pasanin ang inyong mga pagsubok?

Magpatotoo na ang mga ordenansa at mga tipan sa templo ay matutulungan tayong magkaroon ng kaligayahan, kapanatagan, at mas matatag na pananampalataya sa ating mga pagsubok. Rebyuhin ang mga katotohanang tinalakay ninyo sa lesson na ito, at hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga katotohanang ito.

Handout 1: Nagsakripisyo ang mga Banal upang Itayo ang Templo
Handout 2: Nagsakripisyo ang Mga Banal upang Tulungan ang Bawat Isa na Tumanggap ng Endowment