Pangako ng Propeta
Pasasalamat
“Maaari nating piliing magpasalamat, anuman ang mangyari.
“Ang ganitong pasasalamat ay iiral anuman ang mangyari sa paligid natin. Dinadaig nito ang kalungkutan, pagkabigo, at pagkasiphayo. Namumukadkad ito sa mayelong lupa sa taglamig na kasing-ganda ng pamumukadkad nito sa tag-init. …
“… Sa mga pasakit, maaari nating luwalhatiin ang Pagbabayad-sala ni Cristo. Sa labis na kapighatian, maaari nating madama ang init at pagmamahal ng yakap ng langit.”
Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Nagpapasalamat Anuman ang Kalagayan,” Liahona, 2014 Mayo, 75.