2014
May kaibigan ako na laging minamaliit ang kanyang sarili. Paano ko siya matutulungang gumanda ang pakiramdam niya sa kanyang sarili?
Setyembre 2014


May kaibigan ako na laging minamaliit ang kanyang sarili. Paano ko siya matutulungang gumanda ang pakiramdam niya sa kanyang sarili?

Composite of 2 different photo's of the same women talking together

Ang paraan ng paglutas mo sa problema ng kaibigan mo ay depende sa tindi nito. Halimbawa, maaaring pinipintasan niya ang kanyang sarili para lamang siya magmukhang mapagpakumbaba o mapuri o aluin ng iba. Kung magkagayon, humayo ka at aluin mo siya ngunit magiliw rin siyang tulungang huwag gaanong magtuon sa kanyang sarili kundi mas magtuon sa iba. Sa ganitong paraan ay mas masisiyahan siya at magkakaroon ng higit na pagpapahalaga sa sarili, at tunay na magpapakumbaba.

Sinabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Hindi tayo nagiging mapagpakumbaba sa paghamak sa ating sarili; nagiging mapagpakumbaba tayo sa hindi gaanong pag-iisip tungkol sa ating sarili” (“Kapalaluan at ang Priesthood,” Liahona, Nob. 2010, 58).

Kung ang problema ay tila mas matindi—kung may suspetsa kayo na dumaranas siya ng matinding depresyon—hikayatin siyang makipag-usap sa kanyang mga magulang, sa isang counselor sa paaralan, o sa kanyang bishop. O ikaw na mismo ang lumapit sa kanila at magpaliwanag sa sitwasyon. Maaari nilang tiyakin na matanggap niya ang tulong na kailangan niya, pati na ang propesyonal na tulong kung kailangan.