Paano ako magpapakita ng pagmamahal sa mga taong masungit sa akin?
Itinuro ng Tagapagligtas: “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig” (Mateo 5:44). Ang utos na ito ay hindi madaling sundin, dahil salungat ito sa ating pagkatao—ibig sabihin, salungat sa likas na tao (tingnan sa Mosias 3:19). Kaya, saan tayo magsisimula? Narito ang ilang ideya.
-
Sikaping tingnan ang lahat ng tao bilang mga anak ng Ama sa Langit. Hindi lang ito isang magandang ideya; ito ay totoo. Hayaan itong tumimo nang malalim sa inyong puso, at maaaring magbago ang inyong pakikipag-ugnayan.
-
Kilalanin na ang uri ng pag-ibig na iniutos ng Tagapagligtas na taglayin natin ay talagang kaloob mula sa Diyos, kaya kailangan kayong “manalangin sa Ama nang buong lakas ng puso, nang kayo ay mapuspos ng ganitong pag-ibig, na kanyang ipinagkaloob sa lahat na tunay na mga tagasunod ng kanyang Anak na si Jesucristo” (Moroni 7:48).
-
Maghanap ng mga mumunting paraan para mapaglingkuran ang masusungit. Hindi mo alam kung kailan sila matutulungan nitong magbago, ngunit kahit hindi sila magbago, mas makalalamang kayo sa pagiging mabait.
-
Ibahagi ang ebanghelyo sa kanila, kahit ito’y tuwirang pagsasabi at matibay na patotoo ng isang simpleng katotohanan—tulad ng, “Tayong lahat ay mga anak ng Diyos.”