Muli Akong Naglingkod
Ang may-akda ay naninirahan sa Rio Grande do Norte, Brazil.
Isang araw, pagkatapos ng isang proyektong pangserbisyo, naraanan ko ang aming meetinghouse at nakita ko ang dalawang miyembrong babae na naglilinis sa gusali. Nasabi ko na lang na: “Sisters, kailangan ba ninyo ng tulong?” Ngumiti sa akin ang isa sa kanila at sinabi na tamang-tama ang dating ko dahil sila lang ang naglilinis at pagod na pagod na sila. Sinabi niya na nanalangin siya sa Panginoon na magpadala ng makakatulong. Masayang-masaya ako na naging kasagutan ako sa kanyang panalangin. Katatapos ko lang maglingkod sa isa pang tao at pagod na rin ako, pero sinunod ko ang aking puso at nag-alok akong maglingkod pa.
Inutusan tayong magtrabaho nang may galak (tingnan sa D at T 24:7). Kapag may hangarin tayong maglingkod sa lahat ng oras, makakatulong tayo para mangyari ang mga himala sa buhay ng ibang tao. Ang ating buhay ay nagiging mas makabuluhan kapag naglilingkod tayo. Talagang mahal tayo ng Panginoon, tinutulungan Niya ang bawat isa sa Kanyang mga anak, at bibigyan Niya tayo ng lakas upang makapaglingkod.